Best week para mag file ng Leave sa work?

Hi mga mommys. Im on my 35th week na at medyo hirap na ko sa byahe pero kaya pa nmn. Work ko kasi is Alabang at taga Taguig ako. Gusto ko na sana mag early leave kahit hindi bayad kaso ngyon nasa bahay lang ako ng straight 2days nalulungkot lang ako at walang makausap. Nag pa bps ako kahapon at normal nmn lahat, medyo hirap lang din ako manghingi ng recommendation letter na pinapayagan na ko mag leave (required sa trabaho) sa OB gawa nga ng sa public ako nagpapa check up at by schedule lagi at gusto kasi nila n matadtad bago manganak kaya baka di rin ako bigyan. july 21 edd ko. Anu po sa opinyon nyo? Maaga pa po ba para mag leave or pwede na.

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi mommy I'm on 36th week na July 12 edd ko July 10 file ko na leave. Napasok pa din aq sa work hindi ako masyadong naglalakad kasi sumasakit puson ko pag na-sobrahan kaya binigyan ako ni OB ng pamparelax ng matres. Ayaw ko din sa bahay eh naiinip ako lalo na pag mag isa medyo malayo travel mo from home to work pero halos 1 month pa bago edd mo. Advice ko lang if healthy naman kayo ni baby at kaya mo pa mag travel 1st week ng July ka sigruo mag leave if gusto mo ng rest at para maka prep ka din sa paglabas ni baby😊

Magbasa pa
2y ago

May mga nararamdaman din akong hindi maganda lalo na matagal naka upo sa trabaho, pag tatayo ko parang lahat ng bigat is nasa pwerta ko na. Sinabi ko nadin to sa OB at sabi nya normal lang daw. Wala din sya binigay na ibng gamot. Gusto ko pa pumasok sa totoo lang dahil sayang din ang sahod kaso nakakapraning lang talaga yung mga changes n nararamdaman pag malapit na sa due date lalo nat ftm ako kay di ko alam kung normal ba ung mga sakit sakit na nararamdaman ko. Btw ingat lagi mi sa byahe