Best week para mag file ng Leave sa work?

Hi mga mommys. Im on my 35th week na at medyo hirap na ko sa byahe pero kaya pa nmn. Work ko kasi is Alabang at taga Taguig ako. Gusto ko na sana mag early leave kahit hindi bayad kaso ngyon nasa bahay lang ako ng straight 2days nalulungkot lang ako at walang makausap. Nag pa bps ako kahapon at normal nmn lahat, medyo hirap lang din ako manghingi ng recommendation letter na pinapayagan na ko mag leave (required sa trabaho) sa OB gawa nga ng sa public ako nagpapa check up at by schedule lagi at gusto kasi nila n matadtad bago manganak kaya baka di rin ako bigyan. july 21 edd ko. Anu po sa opinyon nyo? Maaga pa po ba para mag leave or pwede na.

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ako hindi na pumasok since na emergency ako nung may 29. work from home ako july 12 edd. Pero nakakatakot nung na emergency ako, nag 90/60 ang BP ko at nag 94 pa fetal heart rate ni baby. First baby namin kaya nagdecide si hubby na wag ko nang irisk kahit wfh ako. nag advise din manager ko na magpahinga nalang ako. siguro factor din yung maselan ang pregnancy ko at naka graduate lang ako sa pampakapit nung pa 8 mos na yung pregnancy ko. advice lang, wag mong masyadong ipush at wag masyadong magtiwala sa kaya pa naman. hindi mo kasi sure kung si baby kaya din. mahirap magsisi sa huli. btw sa public din ako nagpacheck up at nakakuha naman ako ng medcert from my OB recommending early leave. wag mo nang intayin na ma emergency ka bago ka magdecide na magpahinga nalang while waiting sa pagdating ni baby. Sobrang nakakatakot.

Magbasa pa
2y ago

Totoo po. Tsaka sobrang nakakapraning lalo na natatadtad ako sa jeep at tricycle, hindi nmn pwede mag request sa driver na bagalan. Kaya pagbababa ako lagi kong nararamdaman na sumasakit puson ko. Work wise kaya ko pa, yung byahe yung hindi na. Thank you sa advice mi at hoping and praying for your baby's safe delivery. Goodluck satin mga ftm. Punta ako ulit ng ospital para kumuha ng recommendation letter