Sad news :(

Mga mommy sino po na Normal delivery dito kahit dalwa cord ang nakapulupot kay baby? Ayaw ko po kqsi ma CS #37weeksand2days

26 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hello po momsh same case po tayo. Ang sakin nga lang po ndi ko alam na naka cord coil si baby ko. Sobrang hirap me na ilabas pag ganyan lalo na pag normal delivery. Yung baby ko kasi muntik na talaga sadyang nilakasan ko ang loob ko at magaling magpaanak yung napuntahan ko na lying in. Wala na din akong amniotic fluid non kaya nung nilabas baby ko nakakain na siya ng popo at sobrang lata niya talaga. Diniretso kami nong doctor na ndi daw stable ang lagay ng baby ko nga. Sobrang masakit sa part ko miee kaya para sakin wag mo na ilagay sa panganib ang buhay ng baby mo. Kasi nung time na nirirevive baby ko sobrang sakit sa part ko at nong naging okay naman siya tinuturukan pa din siya ng antibiotics kasi nga nahirapan lumabas gawa ng cord coil. Kaya payo ko po na don kayo sa safe ikaw at ang baby niyo

Magbasa pa

Mommy kahit gusto natin normal delivery kung too risky wag po pilitin.. Ang mahalaga dito e safe kayo both ni baby.. Panganay ko nag labor ako kasi alam ko normal delivery talaga e pero hindi po bumaba si baby lalo lang ako napamahal sa bill kasi napatagal sa labor room di naman bumaba ang ending Emergency CS isang pulupot lang yon ng cord pero atlst safe kami ng anak ko.. Eto naman 2nd baby ko breech.. Kahit hindi breech si hubby ko na mismo napaladesisyon na magpa CS ako kahit mahal.. kasi CS din naman panganay namin ayaw niya na baka mas lalo pa maging delikado lalo na nasa above 30s na ko highrisk na. Uulitin ko priority ngayon ay maging safe kayo pareho.. Goodluck po and pray lang palagi momsh🙏

Magbasa pa
2y ago

Thankyou momsh 🥰🥰

VIP Member

Nung nanganak po ako, Akala ko ma normal. Hindi ako aware na si baby ay cordcoil, nag pa ultz ako nung kabuwanan ko pero di pa sya cordcoil nun. That's why hindi nababa si baby, nag labor po ako pero hindi tlg sya bumaba kasi nga cordcoil pala sya at may iba pang dahilan (like, nakadumi na din sya sa loob) . so much better po na iready nyo sarili nyo na possible ka tlaga ma CS kahit buong pregnancy mo ay mukang kaya i normal. Yan din sabe ko noon, ayoko ma CS. but i need to choose saan kami magiging safe.

Magbasa pa

Lahat tayo mamsh gusto mainormal ang delivery sa ating mga baby..pero kung too risky na po talaga..dun na tayo sa safe..yung sa eldest ko nga po wala naman problem kaya normal delivery dapat ako..at naglabor ako ang naging kaso di sya bumaba..gang 8-9cm lang ending CS pa din po..kahit ayaw ko din maCS bukod sa mahal mas matagal maghilom pero ganun talaga mamsh..isipin mo na lang po na maayos makalabas c baby mo at makaraos kana din..kaya mo yan mamsh ❤❤❤

Magbasa pa

Sa experienced ko mi normal and healthy kong nailabas ang aking baby kahit twice na nkapulupot pusod niya sa leeg. 3kg siya nung lumabas at mabilis lang like 3 pushes lang. Maliit lang akong babae at 4'11 lang ang height. Nagpatagtag lang talaga ako at palaging bukaka ang legs pag sumasakay sa motor. Sa awa ng diyos di ako masyado nahirapan na ilabas ang baby ko. Lakasan mo lang loob mo. Pero syempre dun ka pa rin sa kung anong safe sa inyo both ni baby. Good luck mi.

Magbasa pa
TapFluencer

Thank you mga mommy 🥺 Normal delivery po kasi ako sa panganay ko na lungkot lang ako kasi pwede ako ma CS eh ang tagal ng healing process nun pero kung ano po desisyon ng OB ko sympre dun po ako mag titiwala. wala naman po problema aa pera as long as na safe at buhay si baby diko lang talaga expected na ma CCS ako pray nalang din siguro 🙏 Maraming salamat mga mommy kahit papaano gumaan loob ko 💗💗

Magbasa pa
TapFluencer

Depende po kasi kung loose po at yung assessment ni OB, pero very risky po... weigh po kasi yan ni OB nyo... priority is yung safety ni baby po. I think better na i-ready nyo rin po ang pang CS in case, para sakin kasi mas gugustuhin kong mailabas si baby ko ng maayos, since ang money po kikitain po ulit.. pray lang din po kayo Mi, at oagusapan nyo ni hubby with OB, Godbless po.

Magbasa pa

Ako momsh cord coil si baby pero napa normal ko. dapat iccs na ako hindi ko na alam pangyayare kasi naturukan na ako sa likod biglang naitihaya ako sabi ire. ayuuun lumabas si baby pero inoxygen kasi nga cord coil nahirapan huminga pero saglit lang. wala pang 2 days.

Ganyan na ganyan un sa classmate ko po pinilit nya ma normal kkasi nag titipid cya ang ending emergency cs cya tas namatay c baby..natuyuan cya ng tubig at naka pulupot ang pusod..ending wla na po baby nya🥹 kaya pa cs kana po wag na ipily ang normal.

ganyan po first baby ko, 2 cord coil niya nung lumabas pero nainormal naman.. pero dun sa last ultrasound ko bago manganak wala siya coil kaya muntikan na din ma CS delikado na daw kasi kapag ganun, buti na lang magaling OB ko kinaya pa sa normal..