Mrs. Bagtas profile icon
PlatinumPlatinum

Mrs. Bagtas, Philippines

VIP MemberContributor

About Mrs. Bagtas

Nurse| Mommy of a Rainbow ❤️

My Orders
Posts(6)
Replies(15565)
Articles(0)

My rainbow baby has finally arrived after my stillbirth 3yrs ago- Hello mga ka team March ko 🤗 ❤️

Hi mommas, Meet my baby girl 👶 Edd- March 11,2023 Dod- March 9, 2023 39weeks 5days 7.22lbs (3.28kg) Lamaze birth method / normal delivery- vacuum assisted Sulit na sulit ang 3rd degree laceration (abot hanggang pwet) 😅 Sharing to you my experience: Last check up was March 8- 3cm palang (from 2cm last March 2) no primrose kasi unmedicated ang target namin ni OB (hopefully), pero lagi akong nakahiga, tamad na tamad maglakad (as in), kaya di ko alam kung maglalabor ba ako ng natural o hindi 😆. I was adviced to go back by March 11 if still walang hilab at induced na lang sana March 9, 2:50am- nagising ako ng matinding pagtigas ng tyan at sakit ng balakang + parang nadudumi. Inorasan ko kasi baka false labor pains lang ulit.. pero 1hr na yung 5-7mins interval na may 1min na tinatagal ng pain. 5:45am- nagpaadmit na ko sa Delivery room, and upon IE, 6cm na agad pala 7am- IE 7cm na 8:30am- IE going 8cm (di ko na kinakaya yung 1min interval ng hilab at 90seconds na tagal ng sakit, tumawag na ko for anesthesia- epidural) at napapagod na ko, feeling ko makakatulog na ko pag irehan na kaya nagpalagay na ko ng anesthesia- na sana ang goal namin ni OB until mai-push ko si baby, no medications 11am- upon IE, fully dilated na ko pero buo pa ang panubigan kaya pinutok na ni OB, start ng Lamaze procedure -Pababain pa lalo si baby to engage/ crowning para maready na yung DR table for final push) at nakapoop na rin pala si baby ko sa loob 1:05pm- thanks God, baby out ☺️ and very healthy po (no need for antibiotics kasi very recent lang ang pagpoop nya, during active labor according sa pedia 🙏) PS: ang hirap umire pag nakaepidural kasi di mo na ramdam yung crowning para magpush 😂 PPS: mas masakit talaga ang induced labor as per my experience sa 1st baby ko vs now sa 2nd baby ko na natural labor 😅 Naniniwala talaga ako na pag ready na si baby i-meet ka at ang mundo, kusang lalabas, may gawin ka man o hindi para magpatagtag or lambot/ bukas ng cervix.. Kaya mga ka mommies ko, wag pong mastress, mafrustrate sa pagpapatagtag.. lalo na kung para sa inyo ginawa nyo na ang lahat.. tiwala lang talaga kay baby, sa OB at kay Lord. Praying for all Mommas 💪🙏❤️

Read more
My rainbow baby has finally arrived after my stillbirth 3yrs ago- Hello mga ka team March ko 🤗 ❤️
undefined profile icon
Write a reply