Para daw lumakas resistensya ni baby

Mga mommy ako lang ba may asawang naniniwala na kailangan iexpose si baby sa mga dumi at wag masyado maging malinis para mas lumakas daw resistensya ni baby? Kesyo bakit daw yung mga batang kalye di naman nagkakasakit at ang lalakas daw ng katawan. Stress ako sa asawa ko sa ganitong paniniwala nya. Wala namang problema sakin na maexpose si baby sa dumi dahil ayoko rin naman ng sobrang linis pero di naman ibig sabihin e di ko na sya iingatan na parang ganun ang gustong mangyari ng asawa ko. Halimbawa, gusto nya pag nagtubig na daw si baby e yung tubig din na iniinom namin ang ipapainom. Bakit kailangan pa daw bumili ng mineral water? Nung bata daw sya nagpapakulo lang naman sila ng tubig mula sa gripo, ok naman daw sya. At dahil puro ganun din daw ang ipinaiinom sa kanya, kapag may naiinom syang ibang tubig e saka naman sumasakit ang tiyan nya. Hay, ako ba ang mali mga mi? Gusto ko lang naman mag-ingat dahil ayokong magkasakit ang anak namin 😢

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ganyan din po ang iba kong relative, hayaan daw ma expose ang bata kaya ang mga anak nila parang di nawawalan ng sipon, rashes, maduming kuko, sanay magsubo ng mga nalaglag na na pagkain, palaging naka paa kahit sa labas ng bahay tapos pasok sa bahay akyat sa kama. alam nyo po yun, yung okay lang sa kanila yun.. sakin kasi lalo sa mister ko hindi pwede ang ganon. ang nag bebenefit kaming lahat. si baby hindi sakitin walang mga ganoon na sipon, kati kati, tapos kaming mag asawa 2alang alalahanin kasi hindi sya sakitin walang gastos sa gamot at doctor. at isa pa ang anak namin turning 4yo noon pa man alam nya na na kapag ang food nahulog na itatapon nya na kahit ang sahig namin malinis. di sya nalabas ng bahay kapag wala ang tsinelas nya, naghuhugas din sya ng kusa bago mag thumbsuck at bago kumain. kapag galing kami sa labas ligo muna kaming tatlo bago kami sa mga malinis na damit, unan, kama. pahalagahan ang kalusugan. sa tubig 3yo na bumitaw anak namin sa wilkins ngayon matibay naman din sikmura nya, diko sya hinahayaan makatikim ng softdrinks. di sya prone to UTI and amoebiasis.

Magbasa pa