Para daw lumakas resistensya ni baby

Mga mommy ako lang ba may asawang naniniwala na kailangan iexpose si baby sa mga dumi at wag masyado maging malinis para mas lumakas daw resistensya ni baby? Kesyo bakit daw yung mga batang kalye di naman nagkakasakit at ang lalakas daw ng katawan. Stress ako sa asawa ko sa ganitong paniniwala nya. Wala namang problema sakin na maexpose si baby sa dumi dahil ayoko rin naman ng sobrang linis pero di naman ibig sabihin e di ko na sya iingatan na parang ganun ang gustong mangyari ng asawa ko. Halimbawa, gusto nya pag nagtubig na daw si baby e yung tubig din na iniinom namin ang ipapainom. Bakit kailangan pa daw bumili ng mineral water? Nung bata daw sya nagpapakulo lang naman sila ng tubig mula sa gripo, ok naman daw sya. At dahil puro ganun din daw ang ipinaiinom sa kanya, kapag may naiinom syang ibang tubig e saka naman sumasakit ang tiyan nya. Hay, ako ba ang mali mga mi? Gusto ko lang naman mag-ingat dahil ayokong magkasakit ang anak namin 😒

22 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

tma naman sya na maexpose kht papano s alabas pero hnd dun sa mga batang may ubo/sipon πŸ˜… Pero kasi iba un sis. when it comes to water iba na pamahon now hnd tulad noon na hnd masyado polluted. Kamu mayaman ba kmu kayo? na kapag magkasakit anak nyo anytime mahospital may pera? Kamu sis ayusim nya mindset nya id ayaw nya mawalan ng anak

Magbasa pa

dati ok pa kasi hnd pa naman masyafo polluted ang mundo, nvayon iba na po. Ung friend ng kaworkmate ko namatay ang baby kasi ung tatay ang pinangtimpla sa gatas ng anak nya ung mineral sa bangketa. nagka infection sa dugo ayun dead. iba iba ang resistensya ng baby so hnd pwd na dun sa iba pwd,sa anak mo pwd din.

Magbasa pa

Ang taas ng case ng cholera ngayon mi, posible rin magka-amoebiasis ang baby. Eh kahit nga hindi pa bottle fed ang baby, yung nakainom lang ng tubig habang pinaliliguan nagkaka-amoebiasis pa rin yung iba. Mas magastos kamo magpaospital kesa bumili na lang ng mineral water.

Naku momsh dati po yun. Ngayon ang chaka na ng mundo. Need maging malinis baby natin momsh kasi tayo din ang mahihirapan pag nagkasakit sila. Gagastos ka pa ng triple. Kaya kung ako sayo momsh gagawin ko best ko para maingatan si baby at para wala ding pagsisisihan πŸ’–πŸ’–

No, magdumo in terms halimbawa maglalaro sa labas siguro ayos lang kasi prt naman iyong ng paglalaro pero iyong maduming ipapasok sa loob ng katawan is a big no. Ung iba nga nasakit sa tiyan sa tubig gripo kahit matanda na what more pa kung baby palang kakaloka.

yung anak ng pinsan ng asawa ko grabe sobrang linis ng bahay nila ni ayaw nila palabasin mga anak nila sa labas kaya ending naging sensitive tuloy sila kung baga madapa or makahawak lang sa lupa grabe na magkasakit.

Ganyan kame mag asawa pero baliktad ako. Kgya ako ng asawa mo. Kse feeling ko pag masyadong alaga lalo nagkakasakit. Yung asawa ko ang overprotective sa anak namin babae

Ganyan din asawa ko mi, sya daw malakas katawan nya kase ganun- ganyan, kaso hindi nya ko kaya, jombagin ko pa sya, mas alam ko makakabute sa anak ko 🀣

no mahina pa immune system ng baby's we have vaccines for immunity. not to expose , we are having covid issues now, kawawa ang baby pag nahawa

Para sa opinion kopo! totoo naman po yung sinasabi ng asawa mo wag po tayo masyadong malinis sa bata! depende na lang po sa inyo yun mommy.