Pls Help.

Mga mommy ano ba dapat ko'ng gawin. Hirap na na hirap na ako sa baby ko 4 month's old, simula nung pinanganak ko sya sobrang iyakin nya. Nung newborn sya iyakin na talaga sya lalong lumala ngaun nag 4 month's na sya. Ayaw na magpalapag gusto lage karga, kapag nakaupo kame iyak lang sya ng iyak pag tatayo ganun pa din pag inaaliw ko sya gamit phone pinapanood ko manonood sya tapos maya-maya iyak na naman. Mix fed na kasi ako simula nag 3 month's sya nung una napapadede ko pa sa bote ngaun gusto nya sa suso ko na dumede. Tuwing ibobote ko sya kinakagat nya na yung tsupon o kaya hahawakan nya, o kaya magdadaldal sya tapos niluluwa nya yung gatas. Konti nalang kasi gatas ko at tingin ko hindi na yun sapat sa kanya. At ang pangpakalma nya lang ay yung dede ko, pag ayaw nya tumigil kakaiyak pinapadede ko nalang sya saken. Working mom po kasi ako ano dapat ko gawin. Minsan tinry ko gutomin wa epek talaga.. ? napaka bugnotin nya, kahit nilalaro na.. makikipag laro tapos iiyak narin. Tapos kapag pinapatulog ko simula nag 2 month's sya hanggang ngayon tulog manok. Sobrang bilis magising tapos konting kaluskos gising agad. Wala na po ako pahinga. Sobrang pasakit nararamdaman ko ngayon ? Please Help!

18 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Madali po mabore ang baby. 4 months din si baby ko. Ang ginagawa ko nililipat lipat ko, sa kama itummy time ko, sa crib patutugtugin ko yung mobile niya, bubuhatin papunta sa labas ng kwarto, minsan sa garden tatambay kami, babasahan ng libro, kakausapin. Nakakapagod talaga. Pero wag mo pagurin, up to 90 minutes lang kaya nilang may activity, pag lumampas dun mas mahirap na silang patulugin at magiging iyakin na. Pag mukhang pagod na siya, start mo ng ihele habang finifeed. Sa gabi naman mahaba na tulog ni LO simula nung nagwarm bath kami mga around 6 PM. After nun tulog na siya. Gigising lang siya para dumede, inaagapan ko bago tuluyang bumukas yung mata, magside lying na kami. Basta mommy pag kulang ang pahinga ni baby mas lalo siyang cranky.

Magbasa pa

Mommy, It's okay. Don't stress yourself too much. Normal lang po ky baby kasi naghahanap siya ng comfort sa inyo. Tiyagan niyo lng po siya. Make your baby feel loved. Isanay niyo narin po siya sa maingay kung morning kung pinapatulog niyo siya magpatugtog kayo ng nursery rhymes hanggang sa makatulog siya para makasanayan na po nia yung ingay. Lagi niyo rn po sia iburp baka po my colic siya kaya siya laging fuzzy. Tiyaga lang po talaga mommy kasi kung mafrufrustate kayo mafefeel yan ng baby mo. Malulungkot siya. You must always make them feel loved kahit pahod kana. Kung matutulog pa kayo keep him close pra they feel your warmth. And you're still going thru post partum mommy kaya just pray nalang so you'll have more strength and patience ☺

Magbasa pa

baka po may kabag si baby? tyagain nyo lang po sya lilipas din po yan baka po ma miss nyo din yung mga ganyang ugali ni baby pag lumaki na sya.. wag nyo po sya sukuan, baka gusto lang din nya ng comfort nyo momsh.. ganyan din before baby ko minsan wala akong tulog magdamag nakakabawi bawi lang ako sa umaga pag inaalagaan ng nanay ko.. iniiyakan ko na din yun, ngayon po ginagawa ko pinapatay ko ilaw pero may dim light naman saka pinapatugtog ko mga nursery ryhms sa tabi nya kaya nakakatulog na sya mag isa.. sa umaga po ginagala sya sa labas kase na bobored na sya sa bahay kaya pag uwi inaantok na sya.. try nyo po..

Magbasa pa
VIP Member

Growtg spurt po siguro. Pero mommy kayo po ang lagi kasama ng baby niyo mas kilala niyo po siya. Check niyo po siya kapag naiyak, baka po gutom, naiinitan, puno na diaper. Check niyo po kung ano ang pwedeng problema. If wala dun try niyo kargahin si baby dalhin sa mahangin at may makikita siyang iba. Like sa labas or bakuran niyo. Or kapag naiyak siya try ko kausapin ng mahihinhin. Kantahan niyo. Si LO ko ganyan din lately. Pero nahahandle ko pa naman siya. Pag kinakantahan ko siya ng alphabet song natahan naman siya. Weird pero atleast nagwowork hehe.

Magbasa pa

Relax lang mommy, pag stressed ka, nasstress din si baby. Ganyan din baby ko dati, gusto lagi nakalatch, comfort kasi nila yan. Lagi mo paburp si baby and check mo din tsupon baka malaki butas, malakas milk flow para sa kanya. Tyaga lang mommy, aayos din yan. Gusto talaga ng mga baby lagi buhat ng mommies, they feel safe kasi pag ganun kaya dapat happy na gusto ni baby lagi sayo.

Magbasa pa

Sorry mommy pero obviously hindi ka po marunong mag handle nf baby mo. Seriously, pinapanood mo sa phone? My gad. Gawain po ng tamad yan :( kawawa naman yung baby at baka masany na mag gadgets. Tsaka grabe naman kada iyak siguro, buhat buhat niyo lang... Spoiled sobra. Maging matigas ka. Tough love.

try duyan momsh normal sa baby ang iyakin at paiba iba haba ng oras ng tulog.. as mommy , dpt mas doble po psensya mo ksi bka mmya me nrrmdaman n mskit si bby, u hve to be strong and mhbng pasensya kasi wla ibng mgttyga ke bby kundi ikw

maamsh tyagain po. gusto po ng entertaiment nyan, ayaw na po nila nh nasa kama lang or na sa isang lugar lang, ilabas nyo po ng bahay ipasyal sa park. kahit street walk lang po. check nyo din po kung nagstart na sya mag ipim

Momshie baka kinakabagan c baby, lagi nyo iccheck ang tiyan nya baka may kabag. Yan ang unang rason kung bat iyak ng iyak c baby, tyaka dpt mahinahon lng ang pgkausap kay baby gus2 nian lagi nakayapos sau.

Bakit ang sinasabihan mong pasakit yung anak mo? Baka kaya siya ganyan kasi ramdam nya din na stressed ka, na aligaga ka. And please tigilan mo paggamit ng cellphone para aliwin anak mo.