3 months na si baby pero sobrang iyakin at nangpupuyat sa madaling araw.

Hi mga mommies. worry ako kasi si baby sobrang iyakin as in mayat maya. Pagka sleep nya maya maya gising na agad tapos yung pag gising nya anlakas pa ng pag iyak and simula nung pinanganak ko sya lagi syang nagigising pag madaling araw minsan nga limang beses pa magising kaya sobrang pagod at puyat ako. Worry na rin ako sa health ko kasi wala akong pahinga dahil pag umiyak sya dede agad hahanapin nya Breastfreed kasi si baby o kaya naman pinadedede na iyak pa ng iyak pero di naman kinakabag pinainom na rin ng Restime for kabag pero iyak pa rin ng iyak. hays super stress talaga mga mommies minsan naiiyak na lang ako?

27 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Si lo ko 1 mos plang sya straight na tulog nya sa gabi , nagmana ata sakin un kasi sabi ng mama ko nung baby daw ako hindi ko raw pinupuyat puro daw ako.dede at tulog lang . Hehehe wala na share ko . Hmmm try mo kaya sis na linisan sya bago matulog para namn maginhawa ung tulog nya . Saka nilalagyan ko ng vics si lo ko ung pang baby, dibdib at likod nya saka pulbo nilalagyan ko rin . Madalas pagtapos ko sya linisan daretso tulog na sya gigising nalng kapag dedede formula gamit ni lo ko 4 mos. And 8 d na sya . Try mo lang sis . Saka mazanilla sa tyan at ulo isabay mo na rin para di sya kabagin . Try mo lng sis malay mo humimbing tulog nya . ☺ lagi rin patay ilaw namin sa gabi kahit tanghali kapag matutulog kami . Para masanay sya sa dilim . Try mo rin sya pagurin para antukin sya laro laruin mo sya . Ganyan din ginagawa ko madalas sa lo ko .

Magbasa pa