comparing

mga mommies sino dito na palagi kinocompare ng mother in law ang baby. baby ko kasi 7months na pero kapag nakikita ng lola nya palagi sya kinocompare gusto nya kasi ganun din lumaki anak ko sa isang apo nya. anak ko kasi ayaw nya na hindi ako nakikita yung isang apo nya makalola anak ko madaldal isnag apo nya maldita anak ko nakakaupo na mag isa pero kahit papaano nakaka gapang. sabi nya po. si ...... ganyang idad halos maglakad na naiiwanan sa crib anak mo hindi. ngayon po nakikita nila result sa isang apo nya 3 years old walang ibang alam sabihin kundi mommy daddy mama lang tapos puro aah aah na. 5months po kasi pinapanuod na nila sa cp maghapon po yun kukunin lang nila kapag matutulog na. ngayon po sutil yung bata gusto nya lahat nakukuha nya kapag hindi nagwawala binabalibag lahat ng ibigay sa knya nananakit. pinalakas nalang po ni hubby loob ko na sabi nya. hayaan ko nalang daw po sinasabi ng mommy nya ang mahalaga natututukan ko anak ko hindi tulad sa asawa ng kuya nya kulang nalang patayin yung anak nya..

41 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

agree ako sa sinabi na hubby mo n hayaan mo nalang may mga ganun kasi talagang tao mahilig magkumpara basta nakafocus ka sa baby mo deadma kana sa sinasabi ng inlaw mo.

ganyan naman mga pilipino hilig magkumpara, manghusga, di pakielamanan yung sariling buhay, di nalang maging proud sa mga apo at anak nila eh. di talaga maiiwasan yan.

Tama yon mamsh hayaan mo lng sinasabe nila, d mo nmn need gayahin yon at lhat tayo iba iba yong paraan ng pagpapalaki at pagdisiplina sa bata

,.Nku Momshie my gnyan po tLga, di yan maiiwasan,.. Pero di nila alm sa sobrng selan ng bata or sObrng spoiled cla din mahihirapan pag laki.

ibang case naman saken, first apo kasi ng mil ko yung baby ko.. ang lagi nya lang kinocompare is yung sarili nya sa akin.. nakakairita

Mommy, nobody can tell you how to take care of your child. Pwede sila magbigay ng opinyon, pero sa inyong mag-asawa lagi ang desisyon.

Buti yung byenan ko di naman siya ganyan, proud siya anak ko tsaka first apo kasi yung anak ko kaya siguro masiyado silang proud.

Buti MIL ko nahihiya pa kapag gusto nya mag advise lang naman. Tsaka sya nag aalaga kay lo ngayon working kami ni hubby

Tama po si hubby nyo. Wag nalang pansinin, basta alam mo sa sarili mo na tama yung pagpapalaki nyo sa baby nyo.

yes wag magpaapekto pasok sa kanan labas sa kaliwa...your child your rules. at iba iba ang bata ng development