favorite

share lang po. bakit ganun yung byanan kong babae palagi nalang nya kinakampihan yung bilas ko kahit alam naman ng lahat na sya may kasalanan. binabastos at minumura na sya still kapag nagkagulo yun parin kinakampihan nya. Sinabi pa nya sakin. para sa knya yun palagi ang tama wala ng iba.. hanggang sa naging sunod sunuran nalang sya don.palagi nya kami binubully mag asawa pero isang beses lumaban na ko dun nagstart na kapag pinagsasalitaan nya ko ng hindi maganda sumasagot na ko at ang ending ako ang mali. dumating yung time na nag away kami ng bilas ko sya naman nauna kasi alam ng lahat na hanggat kaya ko magpigil nagpipigil ako. Pero sobra na kung tapak tapakan kami. grade 4 lang daw natapos nun sabi ng hipag ko ako under grad. 3rd year college pero kung pagsalitaan nya ko parang napakataas nya. ang kwento sakin ng hipag ko una palang daw alam na ng parents nya pera lang habol kasi nakapag tapos at maganda trabaho ng kuya nya. kami nag start palang kami mag asawa. kapag may nangyayare na hindi maganda ako palagi sinisisi para sa bilas ko at byanan ko lahat ng gagawin ko ay mali. pati anak ko nadadamay na lalaruin at aalagaan lang nila kapag may ibang tao or andito asawa ko.. nasabi ko na sa asawa ko ganung nangyayare hanggat maaari wag ko na ilapit kaso kapag ginawa ko yun gulo nanaman. hindi ko na po alam gagawin ko lahat ng ginagawa ko pinapakealaman nila kulang nalang pati mag sesex namin mag asawa tingnan nila kung tama or mali.. naaawa ako sa anak ko kasi no choice kami kung kakalabanin ko byanan ko mas lalo kaming mahihirapan.. kahit kitang kita naman pati yung anak ng bilas ko favorite nya din kasi kaharap nya anak ko pero mukhang bibig nya yung isang apo nya tapos binabase nya yung paglaki ng anak ko dun sa isang apo nya..ni hindi nga nya maipagmalaki anak ko at sabi pa nya ayaw nya alagaan anak ko kasi ang arte arte. ano alam ng 7months old sa ganung bagay..

8 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

kaya ako.. ayoko talaga dun sa poder ng biyenan ko. naaalala lang kami pag kailangan nila ng pera. walang pakialam samin. kung ako lang ok lng.. pero pati anak ko wala cla pakialam. pera lang lagi bukambibig.. puro pera.. kea kpg gnyn bumukod nlng kau. okea dun kayo sa family mo. samin family ko lng ang tumutulong samin. yung side ni hubby wala.. puro hingi ng pera..

Magbasa pa
VIP Member

yan ang mahirap pag wala kayo pambukod magtitiis ka talaga sa ganyang kalagayan..ganun din ako tiis tiis..buntis ako pero stress na stress ako dito. panu di kami makaipon para sa pang upa sana kasi panay hingi ng pera magulang nya..tapos pati hipag ko dito din nakatira, madami na kami dito, lahat gastos ng asawa ko.😔

Magbasa pa

Bumukod nalang kayo momshie. Baka mas malaki ang bigay ng bilas mo and ng kuya ng asawa mo sa mother in law mo kaya ganon. Nakakadiri mga ganyang klase ng mga tao. If di niyo kayang bumukod dun ka nalang sa family mo kasi baka mas magkaron ka ng peace of mind doon. Pero best option pa din na bumukod na kayo.

Magbasa pa
VIP Member

Bumukod nalang po kayo. Baka iniintindi nalang ng in laws mo si bilas kasi nga ganung klase ng tao sya sa pagkakadescribe mo. Naawa siguro. Ganun kaya siguro un nlng lagi kinakampihan kasi ikaw ang may mas malawak na pang unawa.

Just an idea... baka it has nothing to do with you or your child. Baka yun kuya ang favorite kesa sa hubby mo (dahil sabi mo na din maganda trabaho ni kuya) kaya extended ang favoritism sa family nya. Di kaya?

The best solution ay bumukod or maybe lumipat sa inyo, sa parents mo kung ppwede. Baka things will be different and better. Napakatoxic po ng environment na ginagalawan ng anak nyo.

Ang stressful! Ay naku, bumukod na kayo!

VIP Member

Hindi niyo po na try ni mister na bumukod?

6y ago

nung bubukod na kami sis. biglang na admit baby namin.. kaya ayun ipon ulit minsan nashoshort kasi po hindi ako makapag work walang mag aalaga sa baby ko and si hubby po hindi naman ganun kalaki sinasahod