Sana may makapansin at makatulong..

Hello mga mommies sana may makapansin.. 4 months pregnant ako and simula ng magtake ako ng multivitamins at calcium naging hard yung pupu ko hindi ko alam kung dahil sa gamot.. hindi rin naman ako kulang sa tubig kasi maya maya ako umiinom ng tubig.. nung una ok pa kaya lang habang tumatagal mas lumala.. kailangan ko pang umiri ng sobra para lang makapupu at sa tingin ko di maganda natatakot ako baka si baby yung lumabas..ano ba pwede ko gawin? Mosvit nga pala yung iniinom kong multivitamins.. pinapainom dn ako ng ob ko ng aspirin.. sana may makatulong..salamat in advance ☺️

26 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

same here may nereseta na Hindi bagay pinalitan ni ob, tapos may ferous na ako at multivitamins at calcium. parang lalo mas mahirap saken mag poop. nagkaron na ko almoranas at minsan nag bleed pa as in sobrang hirap hndi ako mkatayo at makalakad. kahit halos lahat ng healthy foods at excercise gngwa ko na, nag sitz bath at steam na rin ako. instinct ko stop muna lahat ng binigay na gamot, ayun nga after 2days gumanda poop ko, unti unti nag back in na rin almoranas ko. until now hndi ko na iniinom mga vitamins ko. Kumain na lang ako ng fruits at green leafy, oatmeal at more warm water. pero pacheck up pa din po kayo sa OB.

Magbasa pa
2y ago

momsh bsta inform nyo lang po ob nyo, gaya ko nag-bleed ako dahil sa almoranas at nasugod sa hospital, pinastop na nya ko magtake ng calcium more on gatas na lang. tapos pinalitan din Yung ilang vitamins ko