Baby witching hours

Hi mga mommies! FTM here! Sino po nakakaranas nong sinasabi nilang witching hours sa nga newborn. Ka 3weeks palang ni baby ko, and super nakaka drain. Gising ako magdamag, ayaw pa magpababa huhu

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ako mima i tried na eh swaddle si si LO ko but suddenly na iiritable siya may mga baby talaga na gusto nila ang yakap ng ina na tinatawag nila mainit po kasi sa kanila katawan natin 😊 kapag umiiyak naman si LO ko pinapadede ko kaagad kasi dede is life po yan sila dede lang ang hanap at sa infant po talaga is wala pa po yan silang body clock mag kakaroon lang sila ng sleep rotations is on going to 4months or 3 months mima samahan mo lang ng dasal mima wala po kong katuwang sa pag aalaga sa anak kundi ako lang po FTM din po ko nag tatanong tanong lang po ko sa mga ibang expert na mga kananay ko na katulad narin po natin 😊 try mo na lang din po if tulog si baby pag ni lapag mo tapakin mo lang ng bagya ung bandang pwetan niya na parang hinehele mo narin po., 😊 tapos sabayan mo po siya kapag tulog po ang bata para nakakapag pahinga karin po, basta wag lang tulog mantika 😊

Magbasa pa

hi mhie... same with my panganay until 6mos walang palya sa witching hour every 6pm and 2am daily... kaya nya umiyak at bumulahaw ng 2hours straight 🥲 ayaw ng hele sa duyan, ayaw din nya ng nakaupo unfortunately. Buhat habang lumalakad lakad lng (pero umiiyak pa din mas mahina lng ng konti) (salitan kami ni hubby) worked for us. What I can assure you lang is it's a season... di po sila forever ganyan... mahirap pero iiyak mo lng kay Lord, He will give you the strength pagka ubos na ubos ka na.. wag mahiya to ask for help. if may mahihingan ka ng tulong, hubby or si lola or mga tita na kasalitan mo magbantay habang nagtatago ka sa CR for a little peace and quiet grab it. they will understand. hope it gets better for you mommy 🙏♥️

Magbasa pa

i feel you momma. FTM din po ako. and its draining both physically and emotionally. Ang turo ng mother in law ko hndi talaga sanayin sa kalong at pacifier. although yun talaga ang easiest method. ang gawa namin after dede, pa burp tpos lapag na sa crib. magkakaproblem talaga tayo nyan na 3weeks pa lng sanay na sa kalong. pero laban lng mhie. maiiraos din yan.

Magbasa pa

i think most have experienced it. kaya si hubby ko ang incharge sa madaling araw. salitan kami. tumatahan si baby when we walk while buhat sia. we tried different ways pano sia mapatahan. and we learned techniques pano mapababa si baby ng hindi magigising. wala pa sa katawan ng baby ang oras. kaya we gradually adjust them.

Magbasa pa
15h ago

Ano ginagawa nyo para maibaba sya mi? Nag wowork naman pacifier kay baby, kaso saglitan lang, tapos iiyak na naman. And hanggang anong week usually yung ganito?

Na experience ko yan mi. 2nd week ng baby ko nun witching hours from 6pm-11pm grabe iyak tapos ayaw matulog kaya nagkaron din ako ng anxiety non na kala ko PPD. Lilipas din yan mi. Growth spurt din sya. 3 months na baby ko thank God okay na. FTM din ako

2h ago

Kabagin kase din sila mi. So nung time nayun niresetahan ako ni pedia nya ng simethicone tsaka kosya nilalagyan ng manzanilla sa tummy. Nung una d ako pabor sa manzanilla pero mula nun d na kase sya kinakabag and inallow din ng pedia nya yun kase nag consult muna ako. Till now nagmamanzanilla sya kase nakakasleep sya pag nilalagyan ko

Ganyan naman po talaga kapag new born. Kagagaling nila sa loob ng tyan, tahimik, masikip, tapos bigla magiging maluwag na ang paligid at maingay. Ako naman ang ginagawa ko, binabalot ko ng maigi, para ramdam nya ang sikip at init.

try mo po na nakasandal ka sa mga unan sa kama tapos nakapatong sayo. laking help sa akin non

Try mo mi swaddle.. Pero check/monitor temperature kng di maalinsangan