Rashes ni baby ( sensitive )

Hi mga mommies any recommendation po kung ano cure? Napa check up na po sya sa pedia. Pero hindi nmn po gumaling sa cream na binigay. 😥☹️ She tried calmoseptine na din po aside doon sa cream na binili namin sa pedia.

Rashes ni baby ( sensitive )
107 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hello mamsh try nio po drapolene cream, ung color pink po Ang lagayan ( Benzalkonium chloride Cetrimide) may kamahalan mamsh pero sulit Naman, heto po gamit ko since New born to Ngayon na 1 yr old na baby ko, effective Naman po, iwasan po gumamit Ng wipes po muna, every 2 hrs change diaper po, kada poop po Nia o ihi po hugasan ng maligamgam na tubig, no soap or any po Basta maligamgam po na tubig, din painit po sa Araw, (healthy time) patuyuin po muna singit ni baby saka pahid nio po ung cream, air dry po muna saka nio na Sya diaper, Basta po after 2 hrs palit po agad Ng diaper may laman o Wala po, din maligamgam na water po ulit pang hugas, ...bye bye rashes na po ..., PS: matrabaho, oo pero kailangan, tayu lang po sandalan ni baby Wala na pong iba Tayo lang po bilang Isang Ina Ang inaasahan nila,... Baby: I love you mama😘

Magbasa pa
VIP Member

momsh palit kang brand ng diaper tapos wag wipes gamitin mo pag pupunasan...water lng taz cotton or direct mo sya sa running water pag huhugasan ganyan ung mga baby ko noon...sobrang sensitive hanggang pwetnpa nga taz medyo nag susugat na.. di rin effect cetaphil ...sa lactacyd baby lang gumaling taz nag palit lang ako brand diaper...mommy poko or huggies dun gumaling pwet nila.. mga japan or korean quality ...basta cotton super absorbent na diaper need para di mainit sa pwet nila wag mo rin babad matagal pwet sa diaper..2to 3hrs puno man or hindi palit ka na diaper kung ayaw mo mag switch brand

Magbasa pa

sis my baby had the same rashes noon and her pedia reco Foskina B https://www.mims.com/philippines/drug/info/foskina-b. very effective sya sa rashes jan sa sensitive area ni baby. then just use human nature natural nappy cream or rash free cream. and make sure to always change nappies wag patagalin kay baby lalo na if wet with pee and poo. and as you wash, use the mildest soap like cetaphil or human nature baby and pat ng clean towel to dry. that's how i take care of my little girl till now that she's one yr old. hope it helps you're little one. all the best 🙂

Magbasa pa

hello sis.. try nyo po ito baka hiyang po si baby nyo..since may rushes baby ko yan po lagi ko binibili at super effective po yan.. reseta po yan sa kanya.. sa mercury lang po ito nabibili.. kapag nawala na po rushes nya try nyo din po mag palit ng diaper minsan po kase nasa diaper din kung bakit di nawawala ang rushes kahit pa may nilalagay ng mga cream. pero ito po ang the best para sakin. ngayon kase di nako bumibili super tagal na dahil wala napong rushes baby ko.

Magbasa pa
Post reply image

naging ganito din si lo ko bukod sa nag iba ako ng pampers niya saka always din siyang nakapampers nag irritable siya lalo na nung di napalitan agad ng diaper nag rashes talaga siya. Nilagayan ko agad ng canesten pagkahilom yong rashfree na nilalagay ko naging naman siya saka water lang pinaghuhugas ko no soap kasi baka mahapdi so far ok naman siya. Kaya pag may nakita akong pula sa down niya rashfree nalang nilalagay ko. ☺️

Magbasa pa
Post reply image

Iwasan muna pong gumamit ng mga matapang na wipes lalo na yung sobrang bango. Yun po kase nakakiritate kay baby at kung minsan pwede pong pahanginan muna yung pwet ni baby bago siya lagyan ng diapers. Pagpahingahin mo po muna yung pwet ni baby. Kawawa naman po. Try mo nalang pi yung bulak tas tubig yun nalang muna gamitin mong panlinis ng poop niya mamsh. Pag ayw prin, CALMOCEPTINE na ointment, mura lng po sa drug store 50 pesos

Magbasa pa
3y ago

Up ako dito Momsh, eto gnawa ko sa panganay ko at gagawin ko sa baby ko sa tummy now, sa isang araw po my pahinga dn sa diaper pgka poops,wag muna i diaper at after ihi banlaw agad water tpos pahanginan pra mka singaw ang balat.

Warm Water at cotton balls panlinis Change k diaper every 2-3 hrs( khit unti pa ihi palitan) Drypers na diaper okay sia kc feeling dry kung may budget cloth diaper ( para iwas basura) Mag lagay ka ng canesten cream kada palit m diaper bago k mglagay patuyuin m muna Bago mo iclose diaper patuyuin m muna ung ipinahid mong cream pero sa umaga khit wag mo muna idiaper pra mas mabilis gumaling sa gabi k n lng magdiaper

Magbasa pa

Kung naglagay na po kayo ng calmoseptine, napansin nyo ba na mas namula? kung mas namula, di pa sya hiyang sa zinc oxide. Try nyo po yung tiny buds in a rash(meron nyan sa mercury or shopee) Kapag nag poops po make sure na sabunin nyo ng baby soap at banlawan. Wag gagamit ng wipes. Wag na muna mag diaper, lampin na lang muna hanggat may matinding rashes. Palitan nyo yung brand ng diaper ni baby baka di sya hiyang.

Magbasa pa

same tayo mi, sabi ng pedia ko mgtry ako ng sabon na cetaphil nkakatulong din yun tsaka bago mg diaper si baby 5mins muna bago ipasuot hayaan na tumuyo ito at pg nghuhugas sa pwet gamitin mo cotton balls ksi mas lalo yan sakit ky baby pag diin masyado lalo na wipes🥺 cotton din sakin mas nkakatipid pa pero yung cotton binabasa ko ng mineral water share ko lang mi. bka makatulong

Magbasa pa
VIP Member

warm water and bulak po muna panlinis nip and pagpahingain nio na po muna si baby sa diaper paminsan minsan para makahinga. May mga diaper po kc na matatapang or minsan ung kulob hindi nalabas kaya nagkakaroon ng irritation si baby or you may try different brand other possible cause is skin asthma or fungal infection. Change the diaper as often as needed.

Magbasa pa