Rashes πππ
Rashes ππ Any Recommendation po para mawala Rashes ni baby π 10days old po sya and ganan na po yung Nappy Area nya. niresetahan po kami ng Pedia Nya ng Cream. DRAPOLENE CREAM po yung nireseta nya kaso hindi po umeeffect sa kanya parang lumala po. sobrang naaawa na po ako. ano po kaya pwede kong gawin? pwede po ba kaya sa 10days old ang Calmoseptine? poop po kasi sya ng poop after dumede. mixed feed po sya Formula at Breastfeed po. #NeedHelpPo #firsttime_mommy #10daysoldbabyboy
Nagkaganyan din baby ko nung 2 months old sya. Hindi natanggal ng calmoseptine at drapolene. Ang nireseta ni Dra norash cream (every diaper change) at cortizan cream (twice a day imix sa no rash cream) Bawal gumamit ng wipes at wag po pahiran ng petroleum jelly kasi mainit po lalo sa pwet. Hnd rin advisable gamitin yung cotton na panlinis. Mas okay daw sa running water tap tap lang sa puwet ni baby at bawal irub para hnd magsugat lalo. Ipat dry muna bago lagyan ng cream. Pinalagyan nya din po pala ng cornstarch after nung cream. Wag po polbo. Lampin muna gamitin o mas okay hayaan magsingaw. Palitan agad kapag umihi at tumae. Baby ko panay poop din kaya nagpalit kami ng gatas from S-26 to Nan Infinipro HW. Gumaling po sya
Magbasa paHello po magandang umaga po sa inyong lahat may tanong lang po sana ako mga sis gusto ko lang po malaman kung mataas ba tsansa na maka buo pag ganito sistema . Nag do kasi kami ni partner si partner is mababa ang matres tapos withdrawal pa kami at hindi din active sex life namin which is twice a month lang parang ganito example may nangyare ng gabi 1 round tapos withdrawal tapos kina madaling araw 1 round nanaman withdrawal ulit then masundan ang Do namin nxt month na ulit tapos after namin mag Do is punas tapos iihi tapos Hugas sabay tulog ang tanong po pag ganito ba sistema ay Mataas tsansa na mag buntis? Lalo na kung mababa matres at withdrawal at hindi active ang Sex life ??? Sana mapansin thank you π₯°
Magbasa paMi kawawa si baby..mahapdi yan..nagka ganyan din ang baby ko after 8 days. Wag drapolene kasi medyo mahina syang barrier cream, calmoseptine gamitin mo every diaper change. Para sa paltos, hydrocortisone 1% cream 2x a day for 1week, if meron pa extend mo up to 2 weeks. If nilagyan mo na ng hydrocor wag mo patungan ng calmoseptine. Pagka nagpunas ka kay baby wag ka gumamit ng wipes..puro cotton lang and warm water..kahit madami ka magamit ok lang. Make sure malinis mong mabuti and madry bago lagyan ng calmoseptine. Try mo din change ng diaper brand baka di hiyang si baby. Ganyan lang instructions ni pedia and ginawa namin, umok si baby ko. hope magwork sayo.. :)
Magbasa paano diaper ni baby and ano pinang lilinis mo pag nag poop sya? i recommend unilove air pro diaper and mineral water or pinalamig na pinakuluang tubig mi at bulak pang linis. dry mo din butt area nya after linisan. 17 days na si LO ko and so far no rashes. 3-4 hours palitan ng diaper. always check if puro ihi na then palit. linis gamit tubig at bulak the patuyo. kawawa naman si baby if lumala pa rashes. 366 pesos 64 pcs na NB air pro diaper ng unilove. super absorbent din nya. better if sa Tiktok Shop ka bumili kasi nag sale sila pag may Live selling and free shipping pa Unilove buyer on tiktok Shop since 8mos preggy
Magbasa pasa baby ko rashfree po nireseta ni pedia niya. nawawala po agad. pero may times bumabalik pamumula kaya nagtrial and error kami ng iba't ibang diaper. And sa ngayon, stick na kami sa Mamypoko kasi dun talaga nahiyang si baby.. kahit ilang hours siya di napalitan ng diaper ok pa rin siya. unlike sa ibang brands (unilove, kleenfant, and eq dry), dapat every 2 to 3 hrs magpalit kami kundi magkakarashes na naman siya uli. May pagka pricey si mamypoko pero sulit naman lalo na kung di na magkalasugat si baby.. tuwing sale lang ako bumibili by bulk sa lazada, if wala sale, sa S&R mas mura.
Magbasa pamommy stop na agad yung drapolene kung lalo lumala at inform mo si Pedia na mas lalo po nag rashes si Baby.. then use cotton balls with warm water lang panlinis kay baby.. huwag ibabad sa diaper si baby kelangan every 2-3hrs palit agad kahit konti lang laman... pwede ka din magchange ng brand ng diaper baka hindi siya hiyang sa ginagamit mo ngayon.. pwede din mag lampin muna.. sa baby ko ang gamit namin cream yung Mustela barrier cream every change ng diaper Yun lagay agad para iwas rashes .. Pero yung Kay baby mo mas mainam na ipaconsult mo talaga ulit kay pedia kasi lumala
Magbasa pami para sa akin no! mas better gumamit po kayo nang bulak/cotton at basa in mo sa tubig na may sabon sa paglilinis Ng pwet ni baby .. 1 of the causes po ang wipes sa rashes kasi sensitive pa Ang mga skin nila .. Experience ko po yan kasi tatlo na po Ang anak ko .. mas less rashes po kung cotton ang gamit niyo..
Magbasa pana try nyo na palitan ng ibang diaper brand minsan kasi sa brand din yan ng diaper hindi hiyang, at wag na po ninyo ipatagal ipakita nyo na sa pedia yan at wag po gagamit ng baby wipes kasi may babies na sobrang sensitive ng skin talaga,simple cotton pads or balls and water na lang and then wag da diaperan ng moist or wet ang pwet isure dry Ang pwet Saka suotan ng diaper at kung pwede pahanginan din Ang privates parts ng baby wag lagi nakadiaper para maka breath Ang skin nila.
Magbasa payung baby ko din nung newborn nagka rashes siya pero d lumalala agad po ako nag switch ng dipaer yung pampers dry newborn po changed every 4 hours po at pag may tae changed agad kahit kapapalit lang, d na rin ako nag wipes distilled water at cotton balls ginamit ko, at wag po muna isara or e tape diaper ne baby po pansamantala habang mayron pa ang rashes niya dapat kasi tuyo lang always skin ne baby. sa awa ng diyos nawala naman.po rashes ne baby po. sana po maka tulongπ
Magbasa pagamit ko kay baby is zinc oxide-rashfree po.. effective po sya.. pag pinalitan nyo si baby nf diaper, hugasan nyo po sya ng maligamgam na water before lagyan ng ointment make sure na tuyo sya. dapat po palitan ng diaper every 4-5 hrs regardless kung napuno or hindi. baka di na din sya hiyang sa diaper na gamit nya.. pero momsh, pacheck up mo na din yan kasi nagsusugat na sya e.. prone na yan sa infection.. mas mabuti na maresetahan ng ointment si baby ng pedia..
Magbasa pa
Dreaming of becoming a parent