27 Replies

Samin sis, dalawa aircon namin, yung isa mula 10am-3pm bukas, yung isa naman buong magdamag binubuksan na bago matulog hanggang paggising ng umaga. Bill namin around 4k lang lagi, wala nadin patayan ref at maghapon nadin cooler sa sala plus tv ilaw pa at dalawang fan, rice cooker din gamit ko pamsaing at malakas kami gumamit ng electric kettle. Minsan magdamag din naglalaro si Lip sa PC nya, mababa na 4k fixed bill namin pero sulit naman.

Bkt gnun 4k bill nmin. Ala nman aircon.

Dito sa province, from 3k na usual bill naging 5k+. 12hrs lang gamitan from 6pm-6am depende oa kung di kaya ang init minsan open sya ng hapon off isang oras tapos open ulit. Kung taga manila ka momsh para may idea ka nagrange naman bill namin dun ng 4k-5k monthly. Taas rate ng meralco kasi almost ac lang yun, other appliances gamit namin dun is electric stove (madalang pa gamitin yan), tv, at ilaw lang plus mga phones na.

Nung wala pa kaming aircon nasa kulang isang libo bill nung may aircon na kami 1hp pero hindi inverter pinakamalaki namin na bill kulang 3k. Basta pagkauwi ko bukas agad ng aircon, madalas tuwing gabi lang bukas ng aircon namin kase nasa trabaho kami parehas. Mag inverter ka. Kase ung sa magulang ng asawa ko inverter parehas lang ng bukas ng aircon ang bill 1,300 lang.

Kami po bracket 3-4k ang bill ng kuryente. Sa condo po kasi. Water heater (shower), water heater (pang kape), hotplate, microwave, ref, at washing machine po. Tapos yung ac naman pinapatay lang pag pinaliguan ko si lo or kung aalis kami bahay. Max 4 hours na yung nasa labas kami. Pero pag nasa bahay 24 hours bukas. Inverter split type po.

VIP Member

10k nung halos buong araw naka-on kasi mainit, 2 kwarto yun, minsan 3 pag andyan si SIL. Sa gabi di kami nag aircon efan lang pero sa FIL ko nakaaircon siya. Ngayun 8k na lang kasi di na masyado sa morning nung nag-uulan. Sa ate ko naman 7k sa bahay nila, halos magdamag na aircon yun. Nung nagpalit sila to inverter 5k na lang.

Total bill yan sis. Matagal na kasi nakaaircon. Di ko alam rate pag wala

Inverter yung aircon namin 2.5hp at nung wala pa yan, 1500 lang bill namin kame lang 2 ng mister ko sa bahay. Pero nung bumili kame aircon at ginagamit namin sya almost 24hrs naging 2k or minsan 2200 yung bill namin.

samin sis nung walang ac 800 lang then nung nagpalagay kame max namin ung 1400..6 hours sa umaga then 10 hours magdamag...ref,tv, efan, water heater,split type 1.5hp inverter na kasi pinalagay namin para sulit...

VIP Member

Dalawa kase ung aircon dito sa bahay pero mas ginagamit ung dito sa kwarto namin mamsh open namin sya ng around 11am-5pm tapos buksan ulit around 7pm-10pm nasa 3k+ lang bill namin per month never pa umabot ng 4k.

VIP Member

Kami maximum 6-7 hours a day naka open, may times na hindi kami gumagamit kasi malamig ngayon. 800 na add sa kuryenye namin mula nung nag pakabit kami. 0.5 hp Window type lang aircon namin

Depende po sa type ng aircon. Yung samin kasi inverter na, mas tipid sa kuryente. Sa 20+ hrs straight per day na naka AC kami, around 3k lang nadadagdag sa bill namin every month. :)

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles