Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Mummy of 1 maarte princess
birthday theme
Nag iisip na kasi ako ano maganda theme. Choices kasi namin to ni hubby. °Frozen ba or Moana? °Sa balloons : Metallic ba or Pastel? Ano po kaya mas maganda?
GRABENG HALAK
8MOS BBGIRL Sino may same case sa lo nyo dati, kasi si lo may sipon at ubo. Dinala naman agad para mapacheck up kaya nakainom naman agad ng gamot. Sa pangatlong chek up nya di na sya pinauwi pinaadmit na nila para maobserve, masigla naman sya kaso kasi grabe ang halak nya. Sabi ng pedia nya, sobrang lapot daw ng plema kaya kelangan nyang maconfine. Sa mga nakadanas, para may idea lang ako, pano ba ginagawa nila para matanggal yung plema ng baby? Currently kasi pinapanebulizer nila. Na xray na rin kagabi, waiting na lang sa result kasi d pa nagra rounds yung pedia nya. Di na rin kasi nya maasikaso pagdede nahihirapan ata sya pero pag pinainon ng tubig gusto naman.
ask lang mommies
May case ba na sa tagal ng gamit sa diaper or wipes pwede pa rin magkarash ang baby? Been using pampers for her diaper and sanicare for her wipes since day 1, ok naman sya. Then all of a sudden nagkarash si baby nagstart nung around 7mos now kaka8mos lang. Napacheck up na namin noon, may nabigay na gamot gumagaling pero bumabalik. Every 2-3hrs pinapalitan ko naman basa o hindi. Pinapatuyo ko din bago lagyan ulit ng diaper tsaka para makabreath yung private part hindi ko agad nilalagyan. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa diaper or wipes nya kasi ok naman sya nun, may diaper rash lotion din na nireseta. Hindi ko lang alam bakit pabalik balik pa din. Bigla nalang mamumula. Wala naman nabago sa mga ginagamit nya and routine nya, actually nung nagstart na sya magrash warm water na lang din ginagamit ko minsanan na lang wipes
BABY WIPES
I just want to check ano po magaganda dito and kung may suggestions po na iba pa palagay nalang. Pag nasa bahay kami warm water pero mas prefer ko kasi mag wipes nalang pag nalabas kami. Currently using Sanicare. °Unilove milk scent °Tender Love °Dove °Nivea °Tiny Buds °Mamypoko
MIL PROBLEM
Paalis lang ng inis. Ganito po kasi, dito sa tinutuluyan namin tumuloy family ng hubby ko kasi flight nila ng gabi na. tinakot ni hubby mama nya na kapag lagi pa din inooverfeed si baby dadalhin na namin dito sa manila ang bata (wala pa kasi binyag kaya di pa namin makuha tska iyakin pa sobra baka magreklamo katabing unit). Sabi nya bakit hihintayin nyo pa oras kung iyak na nga ng iyak. kada iyak kasi ng bata lagi gatas bukambibig kahit na kakagatas lang. Tapos sabi ni mil wag daw namin kunin ang bata dito kasi sa polusyon, sabi ko naman hindi naman namin sya papalabasin or ilalabas. ako paba? sa sobrang selan ko na to kahit d nya sabihin dko talaga ilalabas ang bata. tapos pagkasabi ko na di naman sya ilalabas, bata pa nga sya kukunin nyo na sabi nya, mag3mos baby namin etong month na to, sabi ko ulit sa 1yr old nya naman kukunin namin sya kako. sumingit na ate ni hubby sabi ano ba pinaggaganyan mo eh hindi pa naman sa ngaun nila kukunin sabi. Pero sa itsura ng mil ko ayaw nya talaga pumayag. oo alam kung mamimiss nila pero di ba nya inisip na mas namimiss namin ang bata. kami ang magulang. ano ibig nya sabihin? parang di nya na kami binibigyang karapatan sa bata, kami ang mas dapat kasama ng bata. ano yun? anak ko ipagdadamot saken? nagpapasalamat ako na inaalagaan nila pero bivyan din naman nya kami ng asawa ko ng time na makasama ang bata. wag puro sakanya. sa ngayon kasi ang bata nasa mama ko ng weekdays sa mil ko ng weekends. tapos na ang usapan na yan. pero minsan maduga sya, gusto kunin sa mama ko kahit d pa weekend. buti sana kung maayos pag aalaga nya wala ako magiging problema pero hindi eh. d ako tiwala sa kanya. buti pa sa mama ko atleast mas maselan pa nanay ko kesa sa akin kaya alam kong mas maaalagaan ng mabuti anak ko sa kanya habang di pa namin nakukuha.
blood type
Ano po mga blood type ng baby nyo? alam nyo pa ba? ☺
CYBELLE PILLS
Sino po nagtetake ng pills na to? Ok naman po ba? Ano po effect sa inyo?
Hi! about sa pills po.
pag poba umiinom ng pills kahit iputok hindi mabubuntis?
G6PD
Please liwanagan nyo ako about G6PD.
normal temperature
1month old si baby. Normal po ba ang 37 na temp nya?