Manas
Mga mommies pano po mawawala pamamanas? :( Lakad naman ako ng lakad at akyat baba pa ng hagdan pero parang mas lumalala siya pag naglalakad ako. 36weeks and 5 days na ako huhu. Gusto ko sana 37 weeks labas na si baby para makaraos na din. Pwede na din ba uminom pineapple ?
@37 weeks nagmanas paa ko. Now @38weeks nawala pamamanas. Hindi ako naglakad lakad dahil ayoko maexpose ngmatagal sa labas lalo na ngayong pandemic. What i did momsh is, im doing exercise more on squatting and planking pero yung kaya ko lang, lagi mo sya footrest kapag nakaupo, massage mo rin habang ngrerelax ka nakakatulong yun para dumaloy ng maayos ang dugo sa ugat. Diet at water therapy momsh. 78.2 @37weeks today 74.6 @38weeks, need mo narin magbawas ng pagkain ng rice. Try mo rin po na sa tanghali ka lng mgrice, umaga at gabi prutas at gulay lang basta intake more water ha momshπππ
Magbasa paNormal naman ang manas wag lang sasabayan ng high blood, uncomfortable lang kasi elevate mo lang paa mo, tapos lakad lakad ng konti, nagmanas din ako ng slight mga 35weeks ako, pero nagtodo sya nung na cs ako, as in to the point na di ko mabend pataas yung toes ko, siguro mga 1week din bago nag subside ..
Magbasa paPara sakin nasobrahan yan kalalakad at laging nakatayo.. ganyan din ako last year .. ginawa ko total nmn e lapit na din 1month before due date ko.. pahinga lang syempre gawa din Pero Hindi kailangan pagod.. pag napapahinga kasi ako napapansin ko na nawawala yung pagmamanas
Nakakamanas din parating nkatayo mommy. Ako din mommy nag manas dahil sa kakalakad ko tayo ng matagal kaya ngayon limit2 nlg and pinapa massage ko sa partner ko and ayun mesyo nawala na sya. 39 weeks and 1 day nku mommy. Gusto kuna ring makaraos.
nung nagkamanas ako ng 6 mos palang kumain ako ng monggo tas naglakad sa rooftop ng nakapaa ung mararamdaman mu ung init, nawala po pamamanas ng paa ko till now 33 weeks na ako , wala na .
taas mo paa mo mamsh, kapag matutulog ka,or nakaupo, tapos mag mejas kapo kapag gabi, wag kapo tapat sa elektrekfan.. tapos try mopo sya i cold compress πmore water po
ice cold compress po.. hnd po siguro nag eelavate ang dugo mo.. higa ka po lage sa left side wag sa right side para hnd mo maipit ung ugat na tntwag na vena cava..
Lagi po dapat nakataas ung paa mamsh hanggat maari para medyo mawala wala. Lalo kung napapagod ung mga binti mo. Effective yan sakin until manganak ako.
pag matutulo ka mommy . lagyan mo NG medyas paa mo . tas lagay ka NG unan sa paanan mo para tungtungan NG paa mo . tas mag pajama ka . π
Maraming salamat po sa mga sumagot βΊοΈ. Gawin ko po mga sinabi nyoooo. Sana mabawasan kahit konti yung pagmamanas nya.