Selfish ba ako???

mga mommies magiging selfish po ba ako kung ilalayo ko ang baby ko sa tatay nya ? hiwalay na kami nung nalaman ko na buntis na pala ako tapos nung nalaman ko na buntis ako nalaman ko na habang kami pala noon bago kami mag hiwalay ay may iba na sya nagugustuhan kaya pala nanlalamig ang ex ko sakin.. nahack ko ang fb acc ng ex ko at nakita ko lahat ng pinag usapn nila about sa baby namin na hindi daw nya gusto ang baby kasi di naman na daw nya ako mahal nung may nangyari samin.. ang malala pa dun nabasa ko din na yung babae e sinabihan ex ko na nag aaway lang daw sila dahil sakin, kaya talikuran na daw ng ex ko yung baby namin dahil mabubuhay naman yun na wlaa sya. madami pa sila sinabi na masasakit against sa akin at sa baby ko.. nung una pinipilit ko pa sarili ko nag papaka. tanga pa ako halos mag nakaawa ako sa kanilang dalawa para sa baby ko mag hihiwalay sila pero malalaman ko nnaman na sila nnaman.. kaya pala nubg 1st ultrasound ni baby hindi sya. masaya na nakita nya si baby wala sya reaksyon.. fast forward ngayon ang dami ng nangyari mas lalo lumala ang sakitan namin emotional sinasabi nya na wala na sila nung babae pero feeling ko sinasabi lang nya yun para di ko ilayo ang baby. Yes nag decide po ako na ilayo ko na lang kasi nasasaktan lang naman ako at na sstress sa nangyayari.. ngayon nag hahabol na sya sinasabi nya na gusto nya maging ama sa baby at gusto nya makita wag ko daw ilayo. pero masakit sakin kubg yung babae na yun parin ang makakatuluyan hindi lang dahil sa mahal ko sya pero yun yung babae na nag udyok sa kanya na layuan kami kaya naramdaman ko noon ang distansya at walang bahala nya samin.. selfish ba ako mommies kung ilalayo ko ang baby ko sa kanya dahil lang sa nasasaktan pa ako o tama lang ginawa ko kasi baka masaktan din nila ang baby ko. need your advice mommies please ???

25 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Uulit at uulitin niya padin yan mommy. Hayaan mo na siya kaya mong maging isang Ina at Ama sa baby mo ng walang tulong niya. Mas pinipili niya babae niya edi dun siya. Wag kanang kumuha ng bato na ipupokpuk mo sa ulo mo. Inayawan niya yung anak mo simula palang kaya Wala na siyang dapat pang habulin sayo dahil una palang ayaw na kamo niya sa anak niyo diba. Hayaan mo siyang makita kung anong sinayang niya para sa panandalian saya niya. Hindi pala mahal eh? Edi pakita mo din na Wala na siyang karapatan para sa anak mo. Maging matigas ka. Dahil para sainyo din yan.

Magbasa pa

Just a piece of advice, wag mo na balikan ang ex mo. Maybe iniwan na siya nung babae niya kaya naghahabol siya sa'yo. At kung nagawa ka na niya lokohin at alam niya kayang kaya ka niya balikan anytime niya gustuhin, uulit at uulitin niya yan. Also, nasa sinapupunan mo palang ang bata kung ano ano na sinasabi na para siyang hindi tatay nung anak niyo. Kung kaya mo naman girl, raise your child alone. Papasok ka nanaman ba sa toxic na relasyon? He'll just do it again.

Magbasa pa
VIP Member

Ang selfish jan eh yung ex mo. Pwede naman siyang magbigay nalang ng suporta sa bata. Hindi ka selfish sa bagay na gusto mo gawin. Iniisip mo lang kapakanan ni baby mo. Kung anu mas makaka buti para sa kanya. Para sa akin mas okay na lumaki siyang ikaw lang ang kasama kesa naman may tatay siya pero sakit naman sa ulo. Sigurado ako may darating din na para sa inyo ni baby. Yung mamahalin kayo at tatanggapin ang nakaraan mo.

Magbasa pa

Hi mamshie!set aside your emotions I know it's very hard for you but remember a baby has a right to have a complete family.Sabayan mo din ng dasal at pananampalataya Sa Diyos believe me and everything will be fall on it's right place. Walang taong perfect at lahat Tayo ay deserve na magkaroon Ng 2nd Chance.GodblessπŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™

Magbasa pa
5y ago

Malinaw naman na paulit ulit nyang niloko si ate. Ipagpalagay natin na makompleto nga sila.e araw2 naman silang mag aaway, lagi naman syang lolokohin mg lalaki. Stress lg yun sa nanay at sa bata. Mas ok ng single mom kesa conplete family nga away at lokohan naman lagi.πŸ™„

oo selfish ka gusto nya maging ama wala naman sya sinasabi na gusto pa nyang makisama sa yo at karapatan naman nya un bilang ama. Anak mo ang pinagdadamutan mo dahil karapatan nyang makatanggap ng suporta sa kanyang ama hindi lang financial kundi emotional. Wag mo idamay ang anak mo sa pagiging bitter mo dahil anak mo ang magdudusa

Magbasa pa

Hello mommies Ako po yung nag post I reaaly appreciate your advices ❀️ nanganak na po ako last March 7 via ecs due to fetal distress and stock 5cm I'm still healing sa wound sa tyan ko at the same time sa puso ko haha. I am not expecting na magiging okay kami it will take time siguro bago ko makalimutan at mapatawad sya.

Magbasa pa
5y ago

Hehe wag k muna mag decide ngayon.. pag isipan mong mabuti pag ayos kana both physically and emotionally☺️ pagaling ka..hayaan mo muna lumipas panahon.

Do what you think is best for you and for your baby. Kung magiging present siya pero mag aaway naman kayo madalas at wala rin naman siyang contribution sa buhay ni baby, kung ako siguro, 'wag na lang. Saka hindi ko siguro mapapatawad lahat ng pinagsasabi niya tungkol sa baby. Kung mahal niya 'yung isa, eh 'di doon siya.

Magbasa pa

You're not selfish at all. I think tama lang decision mo, mommy. He got his chance. Now, if gusto talaga niyang maging involved sa life ng baby mo then he must prove himself. Maghirap muna siya, after niya kayong talikuran yung little angel niyo ganon ganon nalang. Anyway, be strong po πŸ’ͺπŸ™

5y ago

If u see the changes and deserving nga xa, maybe u could opt for co-parenting. Guard ur heart. Karapatan ng baby mo ang isang ama pero Karapatan mo din na mahalin. If babalikan mo xa make sure na walang iba at d ka na uulitin. Bka mangyayri at habol lng si baby tapos paaasahin ka lng. Tapos pag may dumating o bumalik iyak ka naman. Just saying. But most importantly, Congratulations sa baby mo

VIP Member

Give him a chance. Ang gusto lang nman niya maging ama sa anak ninyo cguro nung una natatakot and nalilito siya pero ngaun na siya lumalapit hayaan m siya maging ama ng anak mo.wag m na isipin mg kakaayos kayo ang mahalaga ngaun indi m ipagkakait na makikila ng anak m ung father niya

Halos same tayo sis. Para sakin di paggng madamot un since sa simula naman ayaw nung walang kwentang lalaki nayan. If i we're you single mom kanalang. Kesa makikisama ka sa lalaki pabago bago ang isip. May time mahal ka may time na hindi. Panget ung ganyan toxic yan mamsh

5y ago

Actually di pa ko nanganganak mamsh. Pero iaapilyedo ko sakin para di ako mahirapan pag isasama ko sa ibang bansa