Selfish ba ako???

mga mommies magiging selfish po ba ako kung ilalayo ko ang baby ko sa tatay nya ? hiwalay na kami nung nalaman ko na buntis na pala ako tapos nung nalaman ko na buntis ako nalaman ko na habang kami pala noon bago kami mag hiwalay ay may iba na sya nagugustuhan kaya pala nanlalamig ang ex ko sakin.. nahack ko ang fb acc ng ex ko at nakita ko lahat ng pinag usapn nila about sa baby namin na hindi daw nya gusto ang baby kasi di naman na daw nya ako mahal nung may nangyari samin.. ang malala pa dun nabasa ko din na yung babae e sinabihan ex ko na nag aaway lang daw sila dahil sakin, kaya talikuran na daw ng ex ko yung baby namin dahil mabubuhay naman yun na wlaa sya. madami pa sila sinabi na masasakit against sa akin at sa baby ko.. nung una pinipilit ko pa sarili ko nag papaka. tanga pa ako halos mag nakaawa ako sa kanilang dalawa para sa baby ko mag hihiwalay sila pero malalaman ko nnaman na sila nnaman.. kaya pala nubg 1st ultrasound ni baby hindi sya. masaya na nakita nya si baby wala sya reaksyon.. fast forward ngayon ang dami ng nangyari mas lalo lumala ang sakitan namin emotional sinasabi nya na wala na sila nung babae pero feeling ko sinasabi lang nya yun para di ko ilayo ang baby. Yes nag decide po ako na ilayo ko na lang kasi nasasaktan lang naman ako at na sstress sa nangyayari.. ngayon nag hahabol na sya sinasabi nya na gusto nya maging ama sa baby at gusto nya makita wag ko daw ilayo. pero masakit sakin kubg yung babae na yun parin ang makakatuluyan hindi lang dahil sa mahal ko sya pero yun yung babae na nag udyok sa kanya na layuan kami kaya naramdaman ko noon ang distansya at walang bahala nya samin.. selfish ba ako mommies kung ilalayo ko ang baby ko sa kanya dahil lang sa nasasaktan pa ako o tama lang ginawa ko kasi baka masaktan din nila ang baby ko. need your advice mommies please ???

25 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Para saken momsh maganda padin ba may gabay ng Tatay nya si baby. Masarap padin ang complete family. Sa ngayon mixed emotions ka dahil buntis ka tapos dame mong stress na pinag daanan sa kanila. Enjoy mo lang ang preggy journey mo hayaan mo siya support ka financially and emotionally.

5y ago

mahal na nya daw 3rd party at wala na sya feelings sakin.. di ko alam kung napipilitan na lang sya kay baby kaya sinasabi nya ngayon na wag ilayo sa kanya.. o dahil sa pangit na tingin ng mga tao sa paligid nya ngayon kaya trying sya na linisin hays. ang hirap sis ๐Ÿ˜ญ

Mommy, do what ever that makes you happy. Hndi k nya mahal mas pinili nya ung babae. Fine dun sya. As simple as that. Bakit natin paglalaban ung taong di tayo kayang pahalagahan. Remember meron k ng angel. Sya wala. Hyaan mo syang mainggit. Wala syang respeto.

give him a chance, malay mo sis c baby ang maging daan pr seryosin nia ang relationship nu kc magiging tatay n sia...kung gusto nia magpakatatay let him be, wag mo ipagkait ung karapatan dhil bk balang araw ikaw p ang maging masama s paningin ng anak mo.

same situation tayo momsh. malapit narin ako manganak sa may. ang ginawa ko, kahit anong contact niya sa akin, hindi ko na pinapansin. ang dami ng chances na mabigay ko, napagof narin ako. kaya ko naman mapalaki ang baby ko kahit wala siya.

VIP Member

Lumayo nlg kayo mommy. Ansakit nung ginawa nya ha. Uulit at uulit pa dn naman yan. Hayaan mong karmahin silang dalawa ng kabit nya. Hndi mn lg ba sya nahiya na makipagbalikan sayo samantalang grabe ung mga nabasa mo dun sa conversation nilang dalawa.

VIP Member

You're just protecting your baby po ๐Ÿ™๐Ÿผ Pwd nman xang magpaka-ama. Pero dapat pakita nya muna na deserving xa. As of now. Do what makes you happy and what you think is right. You're still healing pa po. God bless Momma. Stay strong ๐Ÿ™๐Ÿผ

Lumayo na po kayo sakanya. Sana nung buntis ka pa lang na nalaman mo kataksilan nya, di ka na sana nagtiis pa sakanya na paulit ulit ka saktan emotionally. Magiging mas masaya at magaan ang buhay nyo kung wala sya. Be strong momsh.

Same sitwasyon sis :) ako nga tinatanggi ng ex ko na anak nya itong dinadala ko pero its ok dinaman sya kawalan mas mabuti pang walang kame at disya MAKILALA ng babyko kesa mag sama kame dahil sa awa

VIP Member

iniwan nya baby namin pero hindi ako nag damot sakanya .sya lang yung ayaw makita anak namin ngaun nakahanap na ako ng bago tangap lahat pati anak ko ..

VIP Member

Karapatan po ng ama na makita ang anak nya. Ano man po ang sama ng loob mo saknya. Kasi kung tatanungin nyo ang bata, syempre gusto nya din makita tatay nya.

5y ago

Para sakin, maybe not now. Pero pag malaki na ang bata at may isip na.