complicated relationship??

Sakit isipin na parang ako pa may kasalanan ng lahat? sympre mag rereact talaga ako dahil di naman maganda na and ex at partner mo kasama baby nila ay nasa iisang bubong for morethan 1month but with the parents of my partner?, inaaway ko dahil masakit para sa akin ang ginawa nyang desisyon?, sinabi nya naman sa kapatid ko at sa parents ko pero of course parents ko sila rereact talaga?, at sinabi nya pa sa akin kahpon lng na nag sinungaling sya tungkol sa kanyang ex nya.. sinabi nya na kasalanan ng ex nya na nag hiwalay sila. Pero kagbi sinabi nya sa akin na hiniwalayan nya ex nya dhil pregnant at alam nya na buntis na ex nya noon?, tapos sabihan pa ba naman ako na pag nakikita nya ex nya nasasaktan sya?? but i asked him kung mahal nya pa ex nya pero sabi nya hindi.. pag mag asked ako kung mahal nya ako sabi nya OO, pero ayaw nya na lagi ko sya tinatanung tungkol sa mga ganyan, at kanina nag tanong ako kung nag bago na sya sinabihan lng ako na hndi sya naka uniform d nya malagay cp nya sa chest pocket at yun pinatay nya?, sabi nya ang lahat na promise nya sa akin ay na promise nya rin dati sa ex nya.. naging engaged din sila alam ng parents ni ex, ngayon engaged kami alam din ng parents ko??? ayaw ko na mag hiwalay kami??????

10 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Wag na wag mong Itutuloy yan sis dahil ikaw at ikaw padin ang magiging kawawa. Let me tell you this nasa ganyang situations ako ngayon and I'm 9month pregnant. Yung kalip ko now meron ex na naanakan niya before hiniwalayan niya yun dahil yung babae nanlalaki kahit buntis siya nun lumalandi siya sa iba. Then, Last year nagkita yung Kalip ko at ex niya kasama ang bata na anak nila pinayagan ko kase for the child para naman nakilala niya papa niya. Then alam ko na magkikita sila at sa pagkakaalam ko sa Mall lang sila dahil nagpaalam sakin yung kalip ko na bibilhan niya ng gamit ang bata. Pero that day na magkikita sila open ko messenger ng kalip ko. Then yung babae niyaya niya na sa motel nalang sila magkita ng kalip ko. Kase daw malamig sa mall at baka magkasakit ang bata. ๐Ÿ™„ Pumayag naman itong kalip ko. After that. Nagsisinungaling yung kalip ko sakin. Pinipilit niya na sa mall sila nagpunta. Tinanong ko siya paulit ulit pero paulit ulit siyang nagsisinungaling sakin. Pinagawayan namin yun. Then ngayon past forward. Malapit nako manganak pero yung anak niya sa isa yung iniisip niya. Knowing na kailangan ko din at ng magiging anak niya sakin ng atensyon niya ngayon lagi siyang tulala at lutang sa kakaisip sa ex niya at sa anak niya. Hindi kami magkasama ngayon dahil stay in siya sa work niya. Pero kinaiinisan ko kabuwanan ko na Ano ba naman yung kamustahin manlang niya ako or what. Kaso Hindi eh. Lagi ko pang nakikita na chinachat niya ex niya. Kahapon lang nagaway kami dahil dun sabi ko sakanya kung ganyan siya ng ganyan sakin at Wala siyang pake sa magiging anak niya sakin puros anak niyang isa ang iisipin niya maghiwlay nalang kami at dun siya sumama. Mga ganyan di pa makamove on move yan sa mga ex nila. Magsama silang dalawa mga buiset. Sana sa ibang lalaki dyan wag kayong manliligaw ng ibang babae kung di pa kayo nakakalimot sa mga ex niyo. Mga buiset. Ngayon hiniwalayan ko na. Hindi deserve ng anak ko yung ganon sistema niya. Tsss

Magbasa pa
2y ago

Nag explain lang ako nun sakanya about sa mga bagay na napapansin ko kase mas lamang padin at mas timbang padin yung malasakit nya sa ex at Anak niya dun keysa sakin na kasama niya ngayon. Masakit nun kase ako yung pinili niya pero paulit ulit niyang pinapakita sakin na mali siyang ng pinili. ๐Ÿ’”โ˜น๏ธ Kaya alam ko kung anong pakiramdam niyan. Hindi ko na siya pinipilit bumalik sakin. Kung saan siya mas magiging masaya doon siya keysa nasa akin siya pero walang ibang laman ang isip niya kundi yung ex niya at Anak niya dun. Unfair yun sa magiging anak namin. Ayokong maranasan niya na parang nanlilimos siya ng atensyon niya sa sarili niyang ama.

Masyado nga pong komplikado ang sitwasyon mo pero mahirap po yung ganyan better take a rest for a while at kapag hinabol ka at pinaglaban ka then ikaw mahal niya pero pag hindi I think nagkamali, nabigla o nagmadali lang siya sa mga desisyin niya nimoon bakit nagkaroon ng ikaw ngayon huwag mong ikulong ang sarili mo sa relasyong lilitaw na ikaw ang kailangan mag adjust at magsakripisyo kung alam naman ng magulang mo I think baka mas masaya pa sila sa desisyon na wala na muna yung lalaki at patunayan na kaya kang ipaglaban pwede naman kasi sis yung bata lang at wala na yung nanay kaso nag eexist yung nanay dahil jan sa LIP mo better na hiwalay mo muna at patunayan sarili sakali pagdaying ng araw wala kang mapagsisishan.

Magbasa pa

Wag kang mag papakasal sa ganyang lalaki sis. Madami pang lalaki. Deserve mo maging first choice not second choice. Wag mong ilagay ang sarili mo sa ganyang ka komplikadong situations. Sinasabi ko sayo di madali ang papasukin mo pag pinakasalan mo pa yung ganyang lalaki. Maniwala ka pag dumating yung araw na Hindi na kayo nagkakaintindihan lalabas ang totoo. At maaaring sabihin niyan na sana bumalik nalang ako sa ex ko. Naranasan ko na yan. Same situations please wag mong ilagay sarili mo sa alanganin. Gamitin mo utak mo wag puso. You deserve the best. ๐Ÿ’•

Magbasa pa

Sis, halata naman pinipili nya ex nya over you. Don't believe everything he says kasi walang bayag magsabi ng totoo yan sayo. Gusto nya yata ikaw mag-call off para mas madali for him. If I were you alisan mo na yan dahil baka umaasa ka lang sa wala.

Hmm too complicated.. Kung mahal pa niya yung ex niya, ikaw kawawa. Kaya i think mas ok na pag isipan mo muna kung magpapakasal ka sa kanya. Mas ok na maghiway kayo ngayon kesa kasal kayo tas miserable naman buhay mo dahil palagi kang nasasaktan

2y ago

Mahal nya yun at di pa sya over sakanila.

Mag isip ka mga 100x if ganyan lalaki ba gusto mo pakasalanan,kung ako wag muna baka magsisi ka,baka one day sabihin nya sayo na mahal pa nya ex nya. Ikaw kawawa.

Wag aanga anga sis.. pag sisihan mo Yan sa huli. Mag isip Hindi puro emotions Nakita mo nmn situation mg ibng mommies dto.. wag kna dumagdag sa horror stories.

Too complicated to handle. Wag mo pakasalan kung di ka sigurado na ikaw ang mahal. Bakit mo itatali buhay mo sa ganyang sitwasyon.

VIP Member

Wag ka pumasok sa di sigurado. Unang una dapat wala sya sa side ng ex nya, pangalawa maniwala ka sa girl instinct.

Complicated! Wag mo na ituloy yan. Sakit lang sa ulo