Neonatal Jaundice

Mga mommies! Gaano katagal bago nawala yong jaundice o paninilaw ng baby niyo kung nagkaroon man siya non? 3 weeks na kasi ang baby ko. Medyo yellowish nong first week niya ang skin niya then parati naman binibilad tuwing umaga at nawala naman masyado pero yong sa eyes niya until now mayroon pa rin. Don sa sclera (white parts ng eye) medyo yellowish. Normal lang kaya Ito since 3 weeks pa lang naman siya? Anyone with the same case po? Di pa kasi makapunta sa center. Breastfed po si baby ko. Thank you po in advance sa answers. ๐Ÿ’™โค๐Ÿ’™โค

Neonatal Jaundice
17 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Pacheck nyo po bilirubin nya. Ganyan din yung baby ko dati (mag 5 months na sya now) nung pinanganak ko kasi sya di masyadong maaraw dahil sa bagyo minsan lang namin sya napapainitan 1 week after namin makalabas ng hospital balik ulit kami for her check up and sabi ng pedia nya madilaw nga daw si baby kaya pinacheck namin ang bilirubin nya and ayun nga mataas nga advice nya kaagad ay phototheraphy but since we insist dahil lang sa panahon kaya ganun sya kadilaw kasi hindi naarawan nagpalit kami ng pedia nya we use yung orange bulb as her sun kapag maulan 24 hrs yung nakatutok sakanya pinapahinga din namin kahit mga ilang oras and nung 3 weeks na sya nagpatest ulit kami ng bilirubin and request din ng new pedia nya na itest din if may infection and blood typing and thank god wala naman syang infection and compatible naman kami ng blood 0+ sya B+ ako bumaba din ang bilirubin nya so advice ng pedia nya is continue brestfeeding and paarawan lang ng paarawan si baby thank god bago sya mag 2 months wala na ang paninilaw nya.

Magbasa pa

Hello po mommy, in my experience, 1 month old na si baby pero naninilaw pa yong skin nya, hindi ko nahalata na pati balat nya kasi maitim si baby, lagi ko sya pinapaarawan 30 mins per day. May mga times na naulan kaya akala ko baka naninilaw kasi hnd sapat yong pagpapaaraw ko. Nagpacheck up kami nung 1 month nya ksi madilaw pa yong mata nya and kapag natutulog sya para siyang kiti kiti ang likot, parang makati ang buong katawan nya, and ang sabi naman ni pedia paarawan lang and minsan daw kapag breasfeeding matagal daw mawala yong paninilaw. Umuwi lang po kmi, and eto na po, mga 7 weeks old si baby ko napapansin ko madilaw pa rin siya at dark urine na tpos medyo nagging maputla na popo nya kaya pumunta kmi ulit sa pedia at ayon nga po naicheck na may poblema nga. If i were you mommy, magpa 2nd opinion ka or sabihin mo kay pedia baka pwede si baby magpalaboratory to check sa bilirubin nya, para agad maagapan kasi if hindi maitreat agad, delikado kay baby at sa development nya.

Magbasa pa
Post reply image
1y ago

Kumusta baby mo, momsh? May diagnosis na siya?

TapFluencer

Hi mommy. If in doubt, consult your pedia. Yung sa baby ko, narefer kami sa pedia-gastro kasi more than a month na madilaw pa din si baby kahit nagpapaaraw naman kami. It turns out mataas yung bilirubin niya and hindi lang siya madadaan sa paaraw. Liver na talaga yung need itreat. He had to take UDCA and supplement ng vitamins D, E, and K din. Buti naagapan namin and hindi tuluyang nag-lighten yung poop niya.

Magbasa pa
1y ago

Kumusta na po si baby niyo? Normal na po ba bilirubin niya?

Same with my baby, in the first week sobrang dilaw niya po talaga. Sinipagan lang po namin sa pag papaaraw. As in, no clothes diapers lang ang suot niya then after 2 weeks na wala na din po agad. Usually po sabi ni pedia, pag lumagpas ng 2 weeks ang paninilaw ni baby its not normal na. Must better na ipacheck niyo si baby sa private pedia para mas maadvise san po kayo ng tamang gawinโ˜บ๏ธ

Magbasa pa
1y ago

Usually ang cause po kasi nan is magkaiba ng blood type si baby and mother especially if the motherโ€™s blood type is O. And, other advise if mataas ang bilirubin ni baby padedehin mo lang po ng padedehin para maihi niya. Pero, mas better if mag paconsult na sa pedia

Hello Mii.. Jaundice din po yung baby ko. Nung 2 weeks old si baby nagpunta kami sa pedia for gen. check up. Pero pina-lab nya si baby kung mataas pa din ba bilirubin nya kasi naninilaw pa rin.. hindi kasi daw normal sa 2 weeks old na naninilaw pa.. At yun nga mataas kaya pina phototherapy nya si baby.. Isang magdamag lang, nag improve na si baby..

Magbasa pa

1month mahigit baby ko bago nagnorm bilirubin count nya mi. Nastress ako ng sobra nun. Madalang kase umaraw nun tapos pag may araw naman natatakpan ng malalaking building na nakapaligid samin. Every other day sya sa pedia nya noon. Taas baba ang bilirubin nya.

1y ago

Breastmilk jaundice sabi ng pedia.

yung sa baby ko sa eyes lang yung may paninilaw. pinapaarawan ko diaper lang naiiwan 6-7 am mga 20mins pero most of the time hindi everyday naawaran kac maulan dito samin. also frequent padede lang po para ma-ihi niya yung kay baby nawala 3weeks lang

Magbasa pa

mommy, continue nio lang ang pagpapa araw. nahuhuli ang mata na mawala ang pagka yellow. walang damit si baby, diaper lang. 15-20min everyday, from 6-7am. continue and consistent ang milk feeding para maihi nia ang bilirubin.

Magbasa pa

Mawawala din po yan,same lang din sa baby ko medyo yellowish din mata niya nung nilabas ko tapos maulan din nung July dko napapaarawan. Nawala nman sya after ilang linggo. Btw,mag-1 month palang si Baby ko.

same sa baby ko nung first 2 weeks nya..naninilaw din mata paarawan mo lng po july din kc m nanganak tag ulan din..buti nawala lng din nman 1month n xa now.hawig din xa s baby ko