Neonatal Jaundice

Mga mommies! Gaano katagal bago nawala yong jaundice o paninilaw ng baby niyo kung nagkaroon man siya non? 3 weeks na kasi ang baby ko. Medyo yellowish nong first week niya ang skin niya then parati naman binibilad tuwing umaga at nawala naman masyado pero yong sa eyes niya until now mayroon pa rin. Don sa sclera (white parts ng eye) medyo yellowish. Normal lang kaya Ito since 3 weeks pa lang naman siya? Anyone with the same case po? Di pa kasi makapunta sa center. Breastfed po si baby ko. Thank you po in advance sa answers. 💙❤💙❤

Neonatal Jaundice
17 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Same with my baby, in the first week sobrang dilaw niya po talaga. Sinipagan lang po namin sa pag papaaraw. As in, no clothes diapers lang ang suot niya then after 2 weeks na wala na din po agad. Usually po sabi ni pedia, pag lumagpas ng 2 weeks ang paninilaw ni baby its not normal na. Must better na ipacheck niyo si baby sa private pedia para mas maadvise san po kayo ng tamang gawin☺️

Magbasa pa
9mo ago

Usually ang cause po kasi nan is magkaiba ng blood type si baby and mother especially if the mother’s blood type is O. And, other advise if mataas ang bilirubin ni baby padedehin mo lang po ng padedehin para maihi niya. Pero, mas better if mag paconsult na sa pedia