Neonatal Jaundice

Mga mommies! Gaano katagal bago nawala yong jaundice o paninilaw ng baby niyo kung nagkaroon man siya non? 3 weeks na kasi ang baby ko. Medyo yellowish nong first week niya ang skin niya then parati naman binibilad tuwing umaga at nawala naman masyado pero yong sa eyes niya until now mayroon pa rin. Don sa sclera (white parts ng eye) medyo yellowish. Normal lang kaya Ito since 3 weeks pa lang naman siya? Anyone with the same case po? Di pa kasi makapunta sa center. Breastfed po si baby ko. Thank you po in advance sa answers. 💙❤💙❤

Neonatal Jaundice
17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello po mommy, in my experience, 1 month old na si baby pero naninilaw pa yong skin nya, hindi ko nahalata na pati balat nya kasi maitim si baby, lagi ko sya pinapaarawan 30 mins per day. May mga times na naulan kaya akala ko baka naninilaw kasi hnd sapat yong pagpapaaraw ko. Nagpacheck up kami nung 1 month nya ksi madilaw pa yong mata nya and kapag natutulog sya para siyang kiti kiti ang likot, parang makati ang buong katawan nya, and ang sabi naman ni pedia paarawan lang and minsan daw kapag breasfeeding matagal daw mawala yong paninilaw. Umuwi lang po kmi, and eto na po, mga 7 weeks old si baby ko napapansin ko madilaw pa rin siya at dark urine na tpos medyo nagging maputla na popo nya kaya pumunta kmi ulit sa pedia at ayon nga po naicheck na may poblema nga. If i were you mommy, magpa 2nd opinion ka or sabihin mo kay pedia baka pwede si baby magpalaboratory to check sa bilirubin nya, para agad maagapan kasi if hindi maitreat agad, delikado kay baby at sa development nya.

Magbasa pa
Post reply image
2y ago

Kumusta baby mo, momsh? May diagnosis na siya?