4 Month Sleep Regression - ANY TIPS AND TRICKS?

Hi mga mommies and daddies! FTM here. Long post ahead. My LO is already 4 months. Gusto ko mang maniwala or hindi, pero she’s going through sleep regression. Dating 3 months sya, nakaka 6 to 8 hrs syang sleep na diretso. Paingit ingit pero kaya nya iself soothe ang sarili nya to go back to sleep. Ever since, she always fell asleep pag hinehele ko sya or pinapadede ko sya. Dun lang sya nakakatulog. Sleep training never works for us ni baby. I just follow her cues and do our routine. Lagi yon, by 8pm antok na antok na sya or tulog na sya non kasi nalinisan ko na sya tapos napadede. Mga ganong things. Ngayon sobrang nahihirapan ako kasi minsan 30 min lang iiglip and nilalabanan nya mga antok nya hanggang sa maging overtired sya and super bugnutin sa gabi. Nagigising sya almost every 1-2 hours and sa konting kaluskos lang. the hardest part is, kada gigising sya, she always wants to be fed. I nurse her (as a breastfeeding mom) or rocked her to sleep (again). Hindi rin siya sanay mag pacifier. Ewan ko ba, one time biglang ayaw na lang nya. Hindi sya nakakatulog pag walang sumpak na boobs sa bibig nya. My boobs are super sore. Parang mewborn stage ulit. I feel like it’s gonna take a toll on me later on, pero what am I supposed to do? Sometimes, I feel like I am not doing a good job, not ‘sleep training’ her, pero mas feel ko namang I am not doing a good job as a mom kung hahayaan ko lang sya umiyak nang umiyak kahit alam ko ang needs nya. Minsan nakakapressure lang. Huhu Any tips on how to survive sleep regressions? And what happened to your LOs after going through sleep regressions? Thank you so much.

12 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

pwede niyo try mag side lying position kayo pag magpadede kay baby sa gabi para hindi kayo masyadong hirap. Parang ganyan talaga ang mga bf baby kase ganyan din anak ko nung infant pa siya. ayaw talaga niya ng pacifier as in niluluwa niya. Kaya parang gusto lage nadede kase ginagawa rin nilang pacifier yung boobs natin. Kahit dede sila ng dede, hindi naman ibig sabihin nun na dumedede talaga sila. minsan ginagawa lang nila yung pang pa soothe nila, para makatulog sila ulit. kaya best ang side lying position pag magpadede kase makakapahinga ka rin habang nadede sila hehehe pwede na sa baby 4months above ang side lying

Magbasa pa

mii hindi kaya masama pakiramdam? si LO ko ganyan ng ilang days tapos nung time na binisita kami ng mother ko sabi sa akin may halak daw si baby pero mahina lang. In my defense and being denial sabi ko wala ma kakadede lang kasi milk lang yan. Kasi kahit matulog sya wala naman ako naririnig pero pinipilit talaga ni mother ko. Para sa ikakapanatag niya pinacheck up ko kinabukasan si LO then ayon may plema nga raw sabi nung pedia. Kaya pala ilang gabi siya walanv matino na tulog as in every 30mins gising sya.

Magbasa pa

Maybe si baby ay naga undergo ng growth spurt kaya siya nagka cluster feeding. And though it is tiring, know that it will end. Ive been there, same na same, feeling ko din hindi ako nanay material ganyan kasi feeling pasuko na ako. Pero nung nagshare ako sa kakilala kong mommies, lahat sila sinabi na it is normal, dadaan talaga sa phase na yan, and hindi forever na nandito tayo sa phase na to. magugulat kana lang nalampasan mo na and nagi start kana magback to normal.

Magbasa pa
12mo ago

Gnyan na ganyan baby ko ngaun, 4mos and 2 weeks na sya kaso lately nagiging iritable sya. Hindi sya nakakatulog at mahirap sya patulugin sa araw makatulog man sya nsa 30mins lang lagi at 2-3 beses lang yun sa buong araw. Matinding iyakan pa yun pag pinilit mu syang matulog kahit makikita mu sa mata nya na antok na antok na sya pero nilalabanan nya. Sa gabi nakakatulog naman sya yun nga lang msyado magalaw at minsan ggsing nalang na sobrang lakas agad ng iyak. Nakaka frustrate na di mu na alam gagawin mu. Sobrang nakakapgod at nakakaubos ng lakas pag hindi sila nakakatulog sa araw dahil dika rin makakapag pahinga. Possible growth spurt daw kaya medyo nakaka kalma hehe.

Same...been experiencing it right now😥sa araw tlaga ang struggle.yong halos 2 hrs ang exhibition nyo mapatulog lang pero 30 mins gising na kaagad kunting ingay lang ultimo pagbukas ng pinto.yong dating nakakatulog pag dinuduyan ngaun hndi na nagwawala na pagnilagay sa duyan.yong dating tatabihan ko lang sa pagtulog tas tapiktapikin mo lng nakakatulog na ngaun hnd na oobra.need na karga bago makatulog..pero sa gabi naman wla problema iiyak lang xa pag gutom tas sleep na uli.

Magbasa pa

that's growth spurt. alipin tayo ng babies natin. hehe, gawin ang demands nila, baby pa yan, hindi yan mag aadjust sa atin. tayo ang mag aadjust sa kanila. :D i have been breastfeeding my baby since birth, for almost 15 months, usually wakes up every 2 hrs to feed her. nasanay na lang ako and expected na gigising talaga ako whenever she needs me. know that you are doing a great job. it's just a phase. cheer up! 🥰

Magbasa pa

Lilipas din ang stage na yan mommy. Temporary lang. growth spurt siguro po yan. All babies dadaan dyan. Pag malaki na si baby mamimiss mo din ang stage na yan na super need ka nya :) kapit lang mi. About sa side lying be sure na may magbabantay sa inyo ni baby baka mapunta sa tenga nya ung gatas etc. saka need pa din ata iburp after.

Magbasa pa

mahirap nga ganyang stage huhu naalala ko tuloy halos Wala akong tulog nun.. noon Kase talaga di ako nagpapadede Ng nakahiga.. natatakot ako machoke si baby.. pero Nung madaming mommies nagsabi sakin mag side lying tinray ko... napaka alwan saminnnn.. Hanggang ngayon side lying kami Nung una takot pa ko

Magbasa pa

sa na observe ko sa baby ko pag nag ssleep regression eh may nangyayare na big milestone sa kanya after nun. kaya dont worry, be excited sa mangyayare at ang pagpupuyat ay parte na ng pagpapalaki ng baby

Tiyagaan lang po talaga sa pagpapatulog. Gawin pa din yung night routine niya kung meron man. Lilipas din po yan. Mag side lying po kung breastfeed si baby, comfort din po ni baby yun.

normal sa babies mommy ang pabago bago ng tulog sa knila, prang monthly nga nagbabago bago ugali nila minsan sa tulog minsan sa ugali din .. ganun tlga pag baby hehe