Multiple wakings during nightsleep
Hi mga mommies and daddies! Quick questions, kaya po ba ng mga babies nyo mag diretso ng tulog sa gabi? Should I be worried if every hour sya nagigising? My LO is going 6 months. Simula nung nag 4 months siya, ang hirap na nya patulugin. Due to sleep regression, medyo nasira ang sleeping pattern nya. Simula noon, parang every hour syang nagigising tuwing gabi at umiiyak sya pag wala ako sa tabi nya. Ang ginagawa ko is pag di talaga tumahan, nag sside lying kami para dumede para lang makabalik sya sa sleep. Im a breastfeeding mom. Parang feel ko di niya kaya minsan maglink ng sleep cycles nya. Pinakamatagal na siguro yung 3 hours na deretso na sleep nya. After non, every hour na ulit. Iniisip ko dahil baka may sipon sya. Pero kahit dati na wala syang sakit, ganoon pa din. I am to check this with the pediatrician, pero kayo po, what do you think? Any advice is welcome. Maraming salamat po.