4 Month Sleep Regression - ANY TIPS AND TRICKS?

Hi mga mommies and daddies! FTM here. Long post ahead. My LO is already 4 months. Gusto ko mang maniwala or hindi, pero she’s going through sleep regression. Dating 3 months sya, nakaka 6 to 8 hrs syang sleep na diretso. Paingit ingit pero kaya nya iself soothe ang sarili nya to go back to sleep. Ever since, she always fell asleep pag hinehele ko sya or pinapadede ko sya. Dun lang sya nakakatulog. Sleep training never works for us ni baby. I just follow her cues and do our routine. Lagi yon, by 8pm antok na antok na sya or tulog na sya non kasi nalinisan ko na sya tapos napadede. Mga ganong things. Ngayon sobrang nahihirapan ako kasi minsan 30 min lang iiglip and nilalabanan nya mga antok nya hanggang sa maging overtired sya and super bugnutin sa gabi. Nagigising sya almost every 1-2 hours and sa konting kaluskos lang. the hardest part is, kada gigising sya, she always wants to be fed. I nurse her (as a breastfeeding mom) or rocked her to sleep (again). Hindi rin siya sanay mag pacifier. Ewan ko ba, one time biglang ayaw na lang nya. Hindi sya nakakatulog pag walang sumpak na boobs sa bibig nya. My boobs are super sore. Parang mewborn stage ulit. I feel like it’s gonna take a toll on me later on, pero what am I supposed to do? Sometimes, I feel like I am not doing a good job, not ‘sleep training’ her, pero mas feel ko namang I am not doing a good job as a mom kung hahayaan ko lang sya umiyak nang umiyak kahit alam ko ang needs nya. Minsan nakakapressure lang. Huhu Any tips on how to survive sleep regressions? And what happened to your LOs after going through sleep regressions? Thank you so much.

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Maybe si baby ay naga undergo ng growth spurt kaya siya nagka cluster feeding. And though it is tiring, know that it will end. Ive been there, same na same, feeling ko din hindi ako nanay material ganyan kasi feeling pasuko na ako. Pero nung nagshare ako sa kakilala kong mommies, lahat sila sinabi na it is normal, dadaan talaga sa phase na yan, and hindi forever na nandito tayo sa phase na to. magugulat kana lang nalampasan mo na and nagi start kana magback to normal.

Magbasa pa
2y ago

Gnyan na ganyan baby ko ngaun, 4mos and 2 weeks na sya kaso lately nagiging iritable sya. Hindi sya nakakatulog at mahirap sya patulugin sa araw makatulog man sya nsa 30mins lang lagi at 2-3 beses lang yun sa buong araw. Matinding iyakan pa yun pag pinilit mu syang matulog kahit makikita mu sa mata nya na antok na antok na sya pero nilalabanan nya. Sa gabi nakakatulog naman sya yun nga lang msyado magalaw at minsan ggsing nalang na sobrang lakas agad ng iyak. Nakaka frustrate na di mu na alam gagawin mu. Sobrang nakakapgod at nakakaubos ng lakas pag hindi sila nakakatulog sa araw dahil dika rin makakapag pahinga. Possible growth spurt daw kaya medyo nakaka kalma hehe.