Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Mama bear of 1 curious little heart throb
Ilang araw po ba tinatagal ang lagnat ng baby pag nag ngingipin? Going 9mos si LO now. Nakakaawa na
Teething si Baby 😥
2 days no poop!
Meron po ba dito same experience ng baby ko, 2 days na po kasi sya hindi nag poop at worried po ako since first time to nangyari, anu po kaya sanhi? She is 5months and kumakain na po si lo ng cerelac, breakfast lunch and dinner but small amount lang at malabnaw lang sya pag tinitimpla ko kasi natatakot nga ako na tigasan sya ng poop, kasi nangyari na before sa mga pamangkin's ko na natigasan ng poop dahil sa msyadong malapot na pagtimpla ng cerelac nila kaya kay lo as much as possible parang tubig nalang tlgah gngawa ko. Pero eto nga 2 days na sya wala poop. Pero as of the moment kasi she is taking meds, sipon(disudrin) ubo(loviscol) antibiotic(cefaclor) twice ang ceelin plus nya umaga at gabi sa tanghali ko naman pinapainom ng tikitiki. Feeling ko kasi may kinalaman sa mga gamot nya na tinatake ngaun. Sa palagay nyo po? Friday hindi rin sya ng poop pero kinabukasan saturday nag poop sya. Walang bahid ng paninigas ng dumi kay feeling okay na. Huhu. Until sunday and monday came wala na sya poop. Hayss
Magugulatin 😢
Going 5months old na si baby this coming Christmas, pero kahapon napansin ko na parang nagiging magugulatin sya. Lalo na pag nasa duyan sya bigla nalang syang magugulat at iiyak kahit wala namang ingay na nangyayari. Bakit kaya ganun? May nakaka experience din po ba sa inyo ng ganun? Anu po remedy nyo if ever? Naaawa na kasi ako eh hindi tuloy tuloy tulog nya kasi panay gulat sya.
Possible cause??
Anu po kayang problema ni baby? 4mos and 12days na sya kaso lately nagiging iritable sya. Hindi sya nakakatulog at mahirap sya patulugin sa araw makatulog man sya nsa 30mins lang lagi at 2-3 beses lang yun sa buong araw. Matinding iyakan pa yun pag pinilit mu syang matulog kahit makikita mu sa mata nya na antok na antok na sya pero nilalabanan nya. Sa gabi nakakatulog naman sya yun nga lang msyado maglaw at minsan ggsing nalang na sobrang lakas agad ng iyak. Nakaka frustrate diko na alam gagawin ko. Nakakapgod din kasi nakakaubos ng lakas pag hindi sila nakakatulog sa araw dahil dika rin makakapag pahinga. Sana matulungan nyo ko. At kung may mga suggestions at advices kayo malaking tulong po para sakin. TIA
3months and 23days, characteristics?
Si baby po ay 3mos at 23 days, normal po b sa ganitong edad ang pagiging mgugulatin at matagal humimbing sa pagtulog. Siguro it takes 5-10mins bago sya makahimbing at during those mins walang humpay ang pag pupumiglas nya. Sige syang sipa sipa unat unat parang nakikiliting ewan. Diko alam bakit ganun. Meron po ba dito kasing edad ni baby at katulad din nya? Sana meron din para magkaroon ako ng peace of mind. Hindi na rin sya natutulog ng mahaba sa sa umaga hanggang hapon parang 30mins nap nalang lagi at laging iritable. Hirap na tuloy kumilos sa bahay.
Breastpumping nakakawala ba ng gatas?
Hello mga mamsh, tanung lang po nakakawala po ba ng breastmilk ang pag papa-pump lang? Na pressure kasi ako sa nabasa ko na useless din ang pag gamit ng mga lactation products at nakakawala din daw ng gatas kung hindi rin dedede si baby sayo! Turning two months na si baby in 1 week at simula nakauwi kami nag pump na ako since ayaw nya dumede sakin at puro iyak lang ang nangyayari, before kahit papano nakaka dede pa sya skin. Ngaun as in ayaw nya na. Kaya nastress ako pno nalang kung mawala gatas ko kawawa naman si baby hanggat maaari ayoko sana gumamit ng formula. Huhu. Sana may makasagot. Salamat po
Effective po ba?
Hi mommies, sino po dito ang naka try na ng Tiny Buds Sleepy Time? Effective po ba sa mga babies nyo? At kung may suggestions or recommendations kayo regards sa ibang effective product? Thank you po. My LO is turning 1month this 25, lately pabago bago ang routine nya naisip ko baka pwede gumamit ng ganyan baka sakali makatulong.
Kelan pwede?
Hi mommies, ask ko lang kelan po kayo nag pahikaw ng baby girl nyo? At anu po ang mga suggestions nyo if ever? Kakapanganak ko lang 16 days ago at marami nagtatanung kung bakit walang hikaw si baby. Naaawa kasi ako, ang dami nilang tusok tusok sa katawan tapos sasabayan pa ng sugat sa hikaw. Gusto ko sana pag mag 1 yr old na. Sabi nila mas mahirap daw sa bata kasi ramdam na nila ang sakit. Salamat po sa makakapansin.
13weeks preggy po nagkakaroon ako ng chicken skin sobrang kati at nagiging dry ang skin ko.
Chicken skin/dry skin