32 Weeks (Light brown discharge)

Hi mga mommies, Ask ko lang sana kung may same ng situation saken. 32 weeks na ako sa 2nd baby ko.. Pag pasok ng 3rd trimester naging madalas yung dischrge ko na light brown-brown kahit ngtetake na ako ng Duvadilan at Duphaston. Na admit pa ako ng 2days para sa dextrose padaanin yung gamot ko pero lahat ng naging ultrasound ko is normal naman, healthy si baby, no placenta previa, close cervix and high lying naman daw placenta ko.. Hindi din masagot ni OB bat ganun dahil normal naman lahat ng tests. Wala din kahit anong masakit sa akin pero ng worry ako kasi masyado pa maaga para magka brown dischrge ako. May same situation po ba sken? pano niyo po nahandle? di ko kasi maiiwasan di mag isip.

32 Weeks (Light brown discharge)
6 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ako po mommy nagpa ER ako last Friday Dahil panay paninigas ng tyan ko then nilabasan na ako ng yellowish discharge at dark brown discharge. nakita dun na nag ppretermlabor labor po ako same po Tayo 2nd pregnancy ko po Ito ..tinurukan po ako ng pampakalma ng matres at pinapainom ng pampakapit for 1 week . nag paultrasound po ako ngayon sa unang ultrasound ko September 4 po Due date ko then ngayon BPS ko September 2 na at 8/8 BPS ko .grade 3 plasenta . next week pwed na po Pala ako manganak . 2639 na timbang ni baby ...tagtag po ata kayo Kaya ganyan po masyadong pagod at stress pahinga Lang po kayo mommy.

Magbasa pa
2y ago

due date ko po September 2 🥰 kahapon Lang ako nag pa BPS 8/8 din at normal din timbang ni baby 🥰❤️ tagal Kong iningatan si baby bedrest , ginawa lahat ng sinabi ni ob. waiting na Lang Kay baby ☺️

same here mommy. pero ako naman po ay 27 weeks palang up until today na 28 weeks padin ako ay meron padin akong brown discharge. same din sayo lahat normal. kaya nakakapraning saan nanggagaling yun. nung una akala ko lang tagtag sa byahe sa work kaya nag leave na ako pero after 2 weeks meron na naman ulit. kaya eto bed rest malala and always praying na mawala na ang hirap kasi matulog at gumising sa umaga na may pagaalala ka

Magbasa pa
2y ago

Ilang weeks kna po mommy? pinag antibiotic ka po ba?

Sa first pregnancy ko, nagsimula din spotting ko ng mga 32 weeks. Pinag bed rest ako ng OB, ganyan din mamsh, naka monitor din ako for a while kay OB sa hospital pero ok naman kami ni baby. Napag conclude ko na super tagtag at pagod ako nung time na yun. Di naman na sya naulit pero 2 weeks ako naka bed rest until nawala ung spotting ko na brown. Pag naka upo or naka higa, laging naka angat din ang paa or legs.

Magbasa pa
TapFluencer

Same mii 24weeks plng ngkakalight brown discharge ako.. Healthy nmn c baby normal nmn test ng urine ko at ultrasound pero my brown spotting ako natanong k dn sa ob k san nang ggaling un brown spotting bka daw kc natatagtag ako even thou d nmn ako msyadong nggagagalaw sa bahay tatayo lang pag kakain pinainom ako ng duvadillan cgro minsan kya ng sspotting pg mejo matagal nakatayo napansin k lng kc skn un..

Magbasa pa
2y ago

yun nga mi, ako may tiwala naman kay ob kaso di ko makuha ung sagot na magpapakalma sken lalo at kahit naka Duvadilan at Duphaston na di pa din nawawala spotting.. nahinto naman pero bumabalik din

Mga mommy, ano po sabe sainyo ng mga OB niyo about sa spotting kung normal naman lahat ng tests at wala naman masakit sainyo? Sa Akin kasi wala sila masabe na dahilan. Parang msyado pang maaga para magbawas ako e..

ako sis 30 weeks plng non nagka brown discharge dn ang ginawa kolng bedrest lng ako tapos binigkisan ko ung puson ko kc parang malalaglag n c bb aun kinabukasn nawala n ngaun 34 weeks nko