32 Weeks (Light brown discharge)

Hi mga mommies, Ask ko lang sana kung may same ng situation saken. 32 weeks na ako sa 2nd baby ko.. Pag pasok ng 3rd trimester naging madalas yung dischrge ko na light brown-brown kahit ngtetake na ako ng Duvadilan at Duphaston. Na admit pa ako ng 2days para sa dextrose padaanin yung gamot ko pero lahat ng naging ultrasound ko is normal naman, healthy si baby, no placenta previa, close cervix and high lying naman daw placenta ko.. Hindi din masagot ni OB bat ganun dahil normal naman lahat ng tests. Wala din kahit anong masakit sa akin pero ng worry ako kasi masyado pa maaga para magka brown dischrge ako. May same situation po ba sken? pano niyo po nahandle? di ko kasi maiiwasan di mag isip.

32 Weeks (Light brown discharge)
6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako po mommy nagpa ER ako last Friday Dahil panay paninigas ng tyan ko then nilabasan na ako ng yellowish discharge at dark brown discharge. nakita dun na nag ppretermlabor labor po ako same po Tayo 2nd pregnancy ko po Ito ..tinurukan po ako ng pampakalma ng matres at pinapainom ng pampakapit for 1 week . nag paultrasound po ako ngayon sa unang ultrasound ko September 4 po Due date ko then ngayon BPS ko September 2 na at 8/8 BPS ko .grade 3 plasenta . next week pwed na po Pala ako manganak . 2639 na timbang ni baby ...tagtag po ata kayo Kaya ganyan po masyadong pagod at stress pahinga Lang po kayo mommy.

Magbasa pa
3y ago

due date ko po September 2 🥰 kahapon Lang ako nag pa BPS 8/8 din at normal din timbang ni baby 🥰❤️ tagal Kong iningatan si baby bedrest , ginawa lahat ng sinabi ni ob. waiting na Lang Kay baby ☺️