Pa help naman mga mommies

Mga mommies ask ko lang San pwede mag pa check up, sobrang sakit na po Talaga Ng kaliwang dede ko. Itinigil kona po pag papa dede kay baby bukod sa ayaw nya dahil mag gusto na nya Ng formula milk... Nilalagnat narin ako sa sobrang sakit. Kahit yung hot compress hindi rin nawawala kapag nila lagyan ko. Pa help naman po

Pa help naman mga mommies
21 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

I pump mo mi kung ayaw idede ni baby. The more na ititigil mo pagpapadede, the more na lalala yan. Muntik na ko magkaganyan nitong nakaraan buti naagapan ko. Ang laki na ng lump sakin sa bandang ilalim ng nipple. Nag research lang ako and nabasa ko na okay mag take ng sunflower lecithin up to 4x a day to prevent/help unclogged the ducts. Yun yung sobrang nakatulong sakin 1 day pa lang ako uminom laking ginhawa na. Also medyo naka relieve din ng pain ko yung planggana nilagyan ko ng hot water, yung tolerable na init ha, tapos binabad ko dede ko habang hinahand express/massage ko. Pwede din if may heater shower mo. Massage habang naliligo. Yung pag massage pa push towards the nipple. Minamassage ko din habang nag dedede si baby towards pa nipple din. Tapos pump ako ng pump every 2 hrs. In 2 days nawala yung lump sakin. Pero pacheck up ka pa din since nilalagnat ka na. Baka infected na kasi.

Magbasa pa

pwedeng mastitis na po, patingin na po sa doctor. pag may matigas sa breast ko, I run it agad sa hot water then massage towards the nipple. nawawala din after 1 day. pag may masakit pa, pinapamassage ko sa lactation consultant para masigurado na walang namuong gatas. hindi kasi nae-empty ni baby and hindi ko namamassage ng matagal. pump niyo na lang po kung ayaw ni baby maglatch. but don't feed with infected breast.

Magbasa pa

Try mo mi uminom ng lecithin. Yun binigay ng lactation consultant ko. Two times a day for the first 2 weeks after nun 1 lx a day na lang. Kapag ayaw ni baby i-latch i-hand express mo. Wag yung to the point na uubusin. Yung lalambot lang kasi kapag inubos mo, lalo mag-engorfe yan. Check pa rin sa sa doctor kung kailangan na may putukin due to mastitis.

Magbasa pa

naalala ko ung dati nag ka ganyan din ako, buntis ako nun 34 weeks na tiyan ko. sobrang sakit tapos buntis pa ako kaya sobrang hirap ko nun. halos mamatay matay ako sa sakit. no choice ako nun kondi operahan ako Kasi di na kaya Ng katawan ko buti na lang mag 37 weeks na tiyan ko kaya after Kong na operahan mga 5 days na nganak na din ako.

Magbasa pa

kaya sguro ayw din dumede sayo kse maliit nipple mo. dpat nag pump ka nlang tapos nilagay mo sa bote tas yun ang pinainom mo sa baby mo. atleast nakalabas yung mga gatas at hindi na stuck dyan sa suso mo. in the ither hand naka breastfeed pa rin aa baby mo. kaso tapos na eh pa check up ka nlng po. baka mas lalong lumala pa yan.

Magbasa pa

baka may nakain po kayo mommy? Ako kasi dati nagkaganyan ako dati sa seashell bawal daw po un kapag breastfeeding kasi. Ang ginawa ni mama ko hinanap namin ung shell na kinain ko tapos pinausukan ako nun ayun tumulo na gatas and nawala din ung swelling pinump ko na din

Its mastitis po.. i had also mastitis before, antibiotic and hot compress plus pump, hindi parin nawala, i was asked to do the ultrasound on the infected breast, after that i was advised to undergo minor surgery Incision and drainage..un lang po ung nka pag tanggal ng mass..

VIP Member

nagkaganyan din ako dati , nilagnat pa ako. niresetahan ako ng OB ng antibacterial then alaga ng warm compress tapos pump. ginawa ko, nilublob ko ung infected breast sa warm water tsaka pinisil pisil.

mii bka mastitis na yan.. pcheck up ka po. sa akin nadala ko pa sa warm compress at pump ng pump khit malaki na non bukol ko sa breast. masakit po talaga yan kahit konting sagi lng

Ganyan din po sa akin, nagpa check up po ako at ni resitahan ako ng antibiotic at sinabihan ako na mag warm compress. Mastitis po tawag jan. pa check up ka po.