Pa help naman mga mommies
Mga mommies ask ko lang San pwede mag pa check up, sobrang sakit na po Talaga Ng kaliwang dede ko. Itinigil kona po pag papa dede kay baby bukod sa ayaw nya dahil mag gusto na nya Ng formula milk... Nilalagnat narin ako sa sobrang sakit. Kahit yung hot compress hindi rin nawawala kapag nila lagyan ko. Pa help naman po


I pump mo mi kung ayaw idede ni baby. The more na ititigil mo pagpapadede, the more na lalala yan. Muntik na ko magkaganyan nitong nakaraan buti naagapan ko. Ang laki na ng lump sakin sa bandang ilalim ng nipple. Nag research lang ako and nabasa ko na okay mag take ng sunflower lecithin up to 4x a day to prevent/help unclogged the ducts. Yun yung sobrang nakatulong sakin 1 day pa lang ako uminom laking ginhawa na. Also medyo naka relieve din ng pain ko yung planggana nilagyan ko ng hot water, yung tolerable na init ha, tapos binabad ko dede ko habang hinahand express/massage ko. Pwede din if may heater shower mo. Massage habang naliligo. Yung pag massage pa push towards the nipple. Minamassage ko din habang nag dedede si baby towards pa nipple din. Tapos pump ako ng pump every 2 hrs. In 2 days nawala yung lump sakin. Pero pacheck up ka pa din since nilalagnat ka na. Baka infected na kasi.
Magbasa pa