Breech baby 21weeks
Hi mga mommies! Ask ko lang kung normal po ba naka breech pa si baby during 21weeks niya? Natatakot po kasi ako ayoko ma cs gusto ko ilabas si baby ng normal🥺 kung normal po ilan weeks po bago iikot si baby, and ano po ginawa niy para umikot siya. Thankyou sa mga sasagot na mommy! Btw FTM here!❤️
pwede pa yan umikot pero kung nasa 30weeks above na low chance na ang pag ikot... low chance pero pwede pa rin... breech baby ko the whole pregnancy at na sched CS ng 37weeks pero nung inopen ni OB sa operating room naka cephalic na pala baby ko umikot na pala ng di ko din namalayan .. di namin alam... ang naramdaman ko lang 1day before ng sched ng CS ko bigla sumakit ang tyan ko siguro yun yung time na umikot baby ko... ang alam ko din kasi iikot yan ng kusa pag malapit na lumabas pero low chance since malaki na at mahirap na sakanila umikot pa.. pero prepared na kasi kami ng asawa ko for CS at kelangan na mailabas ng 37weeks dahil highrisk pregnancy ako.. anyway gawin mo nalang lahat ng suggestions ng mga mommies dito like flashlight or music etc... d ko kasi ginawa yan dahil naka mindset kami na CS na ko.. dapat prepared ka rin sa mga posibilidad na baka ma CS ka o normal... kasi kahit nga yung manonormal delivery na iba bigla nalang ma Emergency CS.. pray lang po palagi ang mahalaga lang naman dito safe kayo both ni baby at pareho po yan painful..
Magbasa paIikot pa yan. pero wag alisin ang possibility na pwede ka ma-cs para makapag prepare ka. Breech din baby ko @30 weeks. sabi ng OB iikot pa daw. sabi ko pano pag di umikot. cs daw ako pag hindi umikot. gusto ko din tlaga normal delivery. ginawa ko ung mga remedies na pwede gawin para umikot si baby like exercise. bumili pa ko birthing ball. pati ung pailaw at patugtog bandang ibaba ng tiyan. umikot naman baby ko. tuwa kami pareho ni doc eh. pero unexpectedly saktong 37 weeks nag rupture ung panubigan ko kahit di pa ko naglalabor. sinubukan pako ininduce pero hanggang 1cm lang ako after 6 hrs. delikado na daw un kc prone na sa infection si baby. emergency cs ako. buti may naprepare pa rin kami ni mr. kahit papano.. kahit ayaw niya dati maniwala na pwede ako ma-cs. sabi niya think positive daw ako. sino ba naman ayaw makatipid. pero di tlga natin alam pwede mangyari.
Magbasa pawag Po kau mag alala mommy Ako nga Po nka transverse lie c baby 23weeks nanpo Ako today Di Ako knakabhan KC iikot pa nmn. daw yan..kaya tiwala lang mii. ♥️ kausapin mo lang c baby ..gnagwa ko din ung pag pa flashlight bago matulog with music 🥰 nkalagay ko sya sa bandang puson ko Po. God bless satin mii. FTM dn Po Ako.😊
Magbasa paThankyou mi sa motivations!💗 kaya nga mi eh my pg ka praning kasi ako since wala pa msyado alam hehe, tnry ko po 1time yung flashlight hihi, ngayon ang dilemma ko naman mi baka maaga pa msyado para paikutin siya baka nageenjoy at comfortable pa siya sa position niya🤭 anyway my right time naman siguro sa pgbaliktad ni baby. Opo mommy good luck satin!💗 God bless din po pray lang mommy!🥰
Hi my. Was breech as well nung una but umikot naman si baby. Mag lakad lakad ka at kausapin mo din si baby. Also, I tried the flashlight method before matulog while may mellow music. Yun flashlight dahan dahan ko ginagalaw pababa sa belly button ko
Noted mi! thankyou so much po sa advice ggawin ko talaga yan☺️❤️
sakin din po sa baby ko nung pinagbubuntis ko breech po sya . ang ginawa ko nag search po ako ng exercise sa youtube tas yun po ginagawa ko. kausapin din po si baby at pray lang po.
sige mi laman narin ako ng youtube kakasearch sa pgbbuntis ko eh hehe since ftm po hihi! thankyou mi!☺️❤️
Yes normal.lang. iikot at iikot pa syan habang di pa sya umaabot sa 32weeks hanggang 36weeks umiikot pa nga minsan. wag magworry sa position baby sa ganyang weeks..
matagal pa po pala hehe nakahinga napo ako😊 thankyou mami!❤️
Ask your OB’s permission if pwede ka mag-forward leaning inversion exercises. Super effective yun and nakakarelieve din ng lower back pains.
sure po pgbalik ko ng OB next month magtatanong oo ako hihi☺️
me rin 28 weeks preggy na tpos nung nagpaultra ako kita na breech din si baby pero sbe sakin nung sa diagnostic iikot pa naman raw sya
tiwala lang mi iikot pa sila baby hihi!❤️
hello mhie baby ko din dati breech siya in 23 weeks pero Nung nag 8 months na tiyan ko naging cephalic na siya
Wow, thankyou mi lumakas loob ko na iikot pa si baby😊💗
Yes mi . iikot pa yan mnsan nga gang 37 weeks umiikot pa daw si Baby eh ☺️
First time mom