Breech baby 21weeks
Hi mga mommies! Ask ko lang kung normal po ba naka breech pa si baby during 21weeks niya? Natatakot po kasi ako ayoko ma cs gusto ko ilabas si baby ng normal🥺 kung normal po ilan weeks po bago iikot si baby, and ano po ginawa niy para umikot siya. Thankyou sa mga sasagot na mommy! Btw FTM here!❤️

pwede pa yan umikot pero kung nasa 30weeks above na low chance na ang pag ikot... low chance pero pwede pa rin... breech baby ko the whole pregnancy at na sched CS ng 37weeks pero nung inopen ni OB sa operating room naka cephalic na pala baby ko umikot na pala ng di ko din namalayan .. di namin alam... ang naramdaman ko lang 1day before ng sched ng CS ko bigla sumakit ang tyan ko siguro yun yung time na umikot baby ko... ang alam ko din kasi iikot yan ng kusa pag malapit na lumabas pero low chance since malaki na at mahirap na sakanila umikot pa.. pero prepared na kasi kami ng asawa ko for CS at kelangan na mailabas ng 37weeks dahil highrisk pregnancy ako.. anyway gawin mo nalang lahat ng suggestions ng mga mommies dito like flashlight or music etc... d ko kasi ginawa yan dahil naka mindset kami na CS na ko.. dapat prepared ka rin sa mga posibilidad na baka ma CS ka o normal... kasi kahit nga yung manonormal delivery na iba bigla nalang ma Emergency CS.. pray lang po palagi ang mahalaga lang naman dito safe kayo both ni baby at pareho po yan painful..
Magbasa pa


