Dandruff / Dry

Hi mga mommies. Ano po kayang cause nito sa ulo ni lo? Natural lang po ba na nagkakaganito ang baby? Or dahil sa soap niya? Or way ng pagpapaligo ko? Wala naman po siyang rashes or dryness sa ibang parts ng katawan. Advice po pleaseee. ☹ #1stimemom #advicepls

Dandruff / Dry
44 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

baka po residue ng gamit nyang soap or body wash, nagkaganyan din lo ko di pala said yung banlaw sa paliligo, lactacyd gamit namin, nilagyan ko lang po vco 1hr bago maligo tapos minemake sure na said yung pagbanlaw, wala na po yung parang dandruff nya ngayon parang 2x ko lang ginawa yung sa vco natutuklap sya ng kusa, wag po tatanggalin bagay dikit pa sa balat ulo

Magbasa pa

cradle cap po yan. suklayin daw po after maligo.. hindi po advice ni pedia lagyan ng kahit ano at kahit oil. pero sa baby ko nilagyan namin baby oil gmit ang cotton, before maligo and suklayin lang after. okay naman sakanya. Not all naman po kasi magwork sa lahat. Nawala naman po sya agad at hindi na sya kumapal.

Magbasa pa
Super Mum

may ganyan si baby dati. atopic dermatitis/cradle cap po yan mommy, nawala yung ganyan ni baby nung nagpalit kami ng bath soap to mustela pwede niyo rin po try ang cetaphil gentle skin cleanser lagyan niyo po muna ng oil yung part na yan bago maligo si baby

lagyan mo po baby oil ulo nya 15 mins bago maligo tas mild na himas lang wag mo pong tutuklapin at baka magdugo kusa nmng matatanggal yan. thank God lahat ng anak ko walang ganyan pero ung baby ng friend ko bangkapal ng ganyan nya sa ulo

cradle cap po yan. bago po nyo paligoan si baby babad nyo po muna sa baby oil ng ilang minuto ,pakapaligo nyo po suklayin nyo po ng dahan dahan yung pino pong suklay. make sure po yung malambot na hindi masugatan si baby😊

pahiran mo baby oil before mo paliguan ng 5 min...then aapaw ng kusa yan pag napaliguan mo na kuha ka suyod dahan dahan m9ng tanggalin at sabihan mo mga kasama mo sa bahay na hayaan lng wag pansinin kasi habang napupuna dumadami yan

4y ago

Jusko pati sanggol susuyudan. Anu ba hahaha

normal po yan mommy ☺️ lagyan mo po baby oil tapos lagyan mo din po ng oil yung cotton buds tsaka mo po tanggalin dahan dahan kapag malambot na po . ganyan po ginawa ko sa baby girl ko 2months old ☺️❣️

VIP Member

Before bath ibabad niyo na po sa baby oil. Then may suklay po na brush na pang baby yun po gamitin niyo habang may soap ni LO suklayin niyo natatanggal po yan. Ganyan ginawa ko sa LO ko. Ngayon wala na.

cetaphil baby wash mamsh. imassage mo lang muna for 2 minutes sa affected area. wag mo lalagyan ng water. basta yung baby wash lang muna. after 2 minutes tsaka mo banlawan and paliguan si baby.

its normal for the baby sis.. cradle cap po yan.. try to use physiogel cleanser po then brush nyo po after nya maligo.. bawal dn po ang baby oil dahil lalo maiirritate ung skin ni baby..