My 8 months old baby
Hi mga mi, sino po dto ang kasabayan kong nanganak last Sept 2022? Kamusta na po ang 8months old LO nyo, nakakaupo na ba ng magisa? Nakakagapang naba?kaya nabang tumayo with support? Pano po gnagawa nyo? Baby ko po kc till now pagdapa at pag roll palang ang kaya nya, sa pag upo nmn po inuupo nmen kaya nmn nyang ibalance without support na, pero hndi pa nya kaya ng mgisang iuupo sarili nya. Pano pong tulong gnawa nyo sa LO nyo. Pashare nmn po ng tips. Salamat.
magkaka-iba ang mga bata. based from experience, magkaiba ang 1st born at 2nd born ko. maagang nakadapa ang 1st born at 3months. while sa 2nd born ko, late sia nagstart pero pareho sila nakalakad before mag 1yo. 2nd born: 6-7mo dapa at paggapang 8-9 pag-upo 10-11 tayo at lakad kusang si LO ang gumawa ng mga milestones. late sia nagstart pero ang bilis ng transition. sa pagdapa, mabilis na agad ng gapang nia, nagulat kami. hindi sia dumaan sa gapang na parang worm like sa 1st born namin. si 2nd born, naghahabol na ng toys across sa bed. sa pag-upo, we use inflatable seat. then nung kaya na niang magbalance without support, pinapaupo namin sia sa kama na ang support lang nia ay kamay nia sa harap. hanggang sa kusa na nia nagagawa. sa pagtayo, lagi namin siang tinatayo at pinapahakbang habang hawak. gumagamit din kami ng walker. dahil dun, gusto ng bata ung laging mobile sia kaya nagkusa ang bata na tumayo mag-isa sa gilid gilid.
Magbasa paHello po, 8 months na din baby ko yesterday.. magaling at mabilis na sya gumapang, nkakaupo na sya mag isa at nkakatayo pag may hawak na furniture or kahit anong gamit na pwd nya mahawakan para mkatayo from sitting tas lakad2 ng unti pero need parin gabayan kasi bigla2 ng bumibitaw tas nagbabalance tas natutumba. 7 months nag start na sya na ganyan po pero mas nahasa sya nung malapit na mag 8 months. Suggestion ko lng. more tummy time lng kay baby para lumakas ang neck, shoulder and arm muscles nya. during tummy time po maglagay kayo ng laruan na medyo malayo sa kanya tas dapat ma attract sya na kunin yun para mkaurong si baby .. tas lagi din pa tayuin si baby every morning para tumibay tuhod nya .. and baby massage po kahit once or twice a day. pero normal lng po yan may mga baby tlga at age of 8 months na nagstart palang matuto sa pag roll over, gumapang at umupo. Iba2 tlga ang development ng baby 😊😊
Magbasa paSeptember baby din si LO. At 9 months naglalakad na sya mag-isa. Hindi na sya gumapang actually. Ang napansin namen is maaga syang natutong umupo mag-isa. What helped her a lot is yung since newborn eh tummy time tlaga. Nanonood din ako ng videos how to encourage her non to transition from tummy time to sitting position. Though iba iba nmn tlga ang development ng mga babies, yung dedication naten as parents in helping them to hit every milestone on time means a lot. Si daddy nya nagpractice sa knya maglakad everyday nung nakita namen na nakakatayo na sya ng maayos at 6 months.
Magbasa paSame po ni baby ko, mas nauna siya umupo pero may support. What I did is tinulungan ko siya planking para matuto sya gumapang hindi namin pinipilit kung ayaw nya. Eventually gumapang din sya nagulat na lng kami. Ngaun naman inuunti unti namin since marunong sya tumindig tinetrainbnamin siya tumayo mag isa. Same sa pag upo. Tinetrain namin siya.
Magbasa paOkay lang yan mii isipin mo lang iba iba ang mga bata same po tayo sept15 ko dn pinangank baby ko hanggang ngayon is di pa sya marunong gumapang di pa rin nya kayang umupo na sya lang and thats fine yan lang iniisip ko hanggng ngayon din nga wala pa ipin no need to rush mii.
hello, team sept din ako. nakakaupo na po mag isa si baby ko, una nakadapa po sya nung 4mos tapos nung 5months po is nakaka roll na sya. then nung 7months nakakaupo na po sya ng mag isa. ngayon naman po nakakatayo na sya pero di pa nya kaya ng mag isa, kailangan pa po iguide.
team September dn ako, nang tumuntong xa ng 7 months nakakaupo na mag isa. Nakaka tayo na rin with support 😊 antayin mo lang baby mo wag ka mainip kusa yan uupo at tatayo mag isa. 💙 Tulungan mo rn minsan sa pag upo, meron sa youtube kung pano xa makaka upo😊
pabayaan nyo po c LO mag explore..more dpat sa laro at huwag po masyado tulongan..team sept din kmi, nareach nya rin lahat yan kaso wala pa syang ngipin. 😁 btw,nagkasakit baby ko meningitis nung 2 mos old kaya importante talaga yung milestones nya
ok naman milestone baby namom 8 months rin. nakakupo tumbling tayo ng may support, etc. nag cclap rin mg kamay . nag tataas ng kamay pag papabuhat. kaso toothless at di pa nagsosolid masyado. mahina kumain madali maubo 🫣
8months na din baby ko at naabot naman nya milestone nya on time right now nakakabalance na sya tumayo ng walang support pero ilang seconds pa lang. Don't worry mii magagawa din ng lo mo yan
thank you mii😊
mama