My 8 months old baby

Hi mga mi, sino po dto ang kasabayan kong nanganak last Sept 2022? Kamusta na po ang 8months old LO nyo, nakakaupo na ba ng magisa? Nakakagapang naba?kaya nabang tumayo with support? Pano po gnagawa nyo? Baby ko po kc till now pagdapa at pag roll palang ang kaya nya, sa pag upo nmn po inuupo nmen kaya nmn nyang ibalance without support na, pero hndi pa nya kaya ng mgisang iuupo sarili nya. Pano pong tulong gnawa nyo sa LO nyo. Pashare nmn po ng tips. Salamat.

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello po, 8 months na din baby ko yesterday.. magaling at mabilis na sya gumapang, nkakaupo na sya mag isa at nkakatayo pag may hawak na furniture or kahit anong gamit na pwd nya mahawakan para mkatayo from sitting tas lakad2 ng unti pero need parin gabayan kasi bigla2 ng bumibitaw tas nagbabalance tas natutumba. 7 months nag start na sya na ganyan po pero mas nahasa sya nung malapit na mag 8 months. Suggestion ko lng. more tummy time lng kay baby para lumakas ang neck, shoulder and arm muscles nya. during tummy time po maglagay kayo ng laruan na medyo malayo sa kanya tas dapat ma attract sya na kunin yun para mkaurong si baby .. tas lagi din pa tayuin si baby every morning para tumibay tuhod nya .. and baby massage po kahit once or twice a day. pero normal lng po yan may mga baby tlga at age of 8 months na nagstart palang matuto sa pag roll over, gumapang at umupo. Iba2 tlga ang development ng baby 😊😊

Magbasa pa
Related Articles