My 8 months old baby
Hi mga mi, sino po dto ang kasabayan kong nanganak last Sept 2022? Kamusta na po ang 8months old LO nyo, nakakaupo na ba ng magisa? Nakakagapang naba?kaya nabang tumayo with support? Pano po gnagawa nyo? Baby ko po kc till now pagdapa at pag roll palang ang kaya nya, sa pag upo nmn po inuupo nmen kaya nmn nyang ibalance without support na, pero hndi pa nya kaya ng mgisang iuupo sarili nya. Pano pong tulong gnawa nyo sa LO nyo. Pashare nmn po ng tips. Salamat.

magkaka-iba ang mga bata. based from experience, magkaiba ang 1st born at 2nd born ko. maagang nakadapa ang 1st born at 3months. while sa 2nd born ko, late sia nagstart pero pareho sila nakalakad before mag 1yo. 2nd born: 6-7mo dapa at paggapang 8-9 pag-upo 10-11 tayo at lakad kusang si LO ang gumawa ng mga milestones. late sia nagstart pero ang bilis ng transition. sa pagdapa, mabilis na agad ng gapang nia, nagulat kami. hindi sia dumaan sa gapang na parang worm like sa 1st born namin. si 2nd born, naghahabol na ng toys across sa bed. sa pag-upo, we use inflatable seat. then nung kaya na niang magbalance without support, pinapaupo namin sia sa kama na ang support lang nia ay kamay nia sa harap. hanggang sa kusa na nia nagagawa. sa pagtayo, lagi namin siang tinatayo at pinapahakbang habang hawak. gumagamit din kami ng walker. dahil dun, gusto ng bata ung laging mobile sia kaya nagkusa ang bata na tumayo mag-isa sa gilid gilid.
Magbasa pa