Weight gain. ?

Mga mamshhhh , feeling ko ang laki nang tinaas ng timbang ko. ? 63 kls ang pre pregnancy weight ko (5'1 po height ko?) tapos now na 6 months na tummy ko, nasa 76 kls nko. ? Ano po ba magandang diet para sa mga preggy?? ? Nakakadagdag din po ba ng weight yung pagmamanas? Sorry. FTM po.

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Dieting – i.e. consuming less than the recommended number of calories – during pregnancy is as much fraught with dangers as is overeating. It can lead to a low birthweight and premature delivery, both of which can go on to cause developmental delays, learning disabilities and chronic health problems in your baby. In extreme cases, it can prove fatal to the baby. So get dieting out of your partner’s head completely. Even if her BMI is 25 or above, the good news is that there is still no need for her to go on a diet. In the first trimester it is common to actually lose weight due to morning sickness. Obviously this is an unpleasant thing to go through but on the plus side being sick reduces the intake of calories and the nausea will likely diminish her appetite.

Magbasa pa

5'2 ako momshie 62kgs. ang timbang ko nung ika 1st month ng pagbubuntis ko. Last month until now 60kgs. na lang ako. Nag aalala ang midwife at bumaba ang weight ko pero ang ob ko di naman. Tinanong lang niya kung ano mga kinakain ko. Sabi ko di po talaga ako kumakain ng maraming kanin, di ako mahilig sa sweets, more on fruits at inum lang ako ng maraming tubig para mabusog at di magka UTI or madehydrate. Ayun nakaearn ako ng puri sa ob ko. Momshie magbawas ka na ng rice at no sa matatamis, kumain ka ng mga prutas na mayaman sa fibre like pinya. Uminom ka ng maraming tubig bago at pagkatapos kumain tiyak na busog ka kahit konti lang kinain mo. Nagmemeryende ako momshie pero fruits pa din.

Magbasa pa

mamsh nag overweight ka na po dapat hangan 73 kg lang po final weight mo. ginawa ko po mamsh, 1 cup rice sa umaga, half cup rice sa tanghali, at 1/8 cup sa gabi ( mga 2 kutsara lang po) nabawasan po ang weight ko, eat veggies... iwasan ang biscuit, pansit, pasta , tinapay malakas po sa carbs yan at iwas din sa maalat. hanggat maaari po d na ako nagrice sa gabi,veggies lang po talaga.

Magbasa pa

Weight ko nung di pako buntis 56kg tapso nung nabuntis ako nag lose ako weight kasi wlaa ako gana kumain . Naging 50kg ako sa loob ng ilang months tapos latest check up ko nung july 7 naging 54kg nako 😂 heheh pinipilit kuna mag diet ayoko lumaki Purong bata laman ng tiyan ko kasi sa ultrsaound 1061grams na bigat ni baby sa loob Sabi ng ob ko normal naman daw laki ni baby

Magbasa pa

Less rice po at sa matatamis. Mas maganda po kung half rice lang. Pwede naman po kumain mayat maya kung gutom basta small meals lang. Kasi ako 7 months 60kgs na. Malaki din tinaas ng timbang ko. Mas maganda po bread na lang sa gabi. Sa manas naman po normal na yan. Elevate mo lang po yung paa mo kapag matutulog ka.

Magbasa pa
VIP Member

Overweight ka momsh even before pregnancy tapos ang laki pa ng weight gain mo ngayun. Bawas ka na sa carbs at sweets. Bawas din sa total calories pero di bababa ng 1600 (minimum daw sa preggy). Nagpacheck na po ba kayo ng blood sugar niyo?

Bawas ka ng rice/ carbs mommy, brown rice if kaya mo half cup lang sa lunch. Breakfast pde ka oats pag gabi naman pde steamed veggies lang. Bwas din matatamis. Wag masyado fruits na matatamis.

ako sobrang laki ko din, pero maliit ang baby ko, ung sukat nia late ng 1 to 2 weeks. kaya kumakain parin ako. check mo din sukat ni baby mamaya maliit pala yan, ikaw lang lumalaki.

Control ka sa kinakain mo. Ako nung last May 65klgs ako tas ngayun 6months preggy na ako 65klgs padin. Control lng talaga sa kinakain specially if you reach 3rdtrimester.

5'1 din height ko, 63kls ako ngayon 35wks diet nadin kasi baka mahirapan ako mag normal delivery. Challenging mag diet pero para kay baby kakayanin 💪