100 Replies
Live in kami partner ko di namin alam pass fb namin parehas pero para sakn dapat may privacy padn , tsaka ayoko dn alamin pass fb nya may tiwala naman ako,, kahit naman alamin mo fb pass ng partner mo sabi nga nila ang manloloko ay manloloko padn , kahi ano alam mo ng pass ng account nya pwde naman gumawa sya ibang account na dimo alam..
Relate ako dito, ako naman ayaw ako pagamitin ng fb ng LIP ko. My dark past kasi ako, baka daw contackin daw ako ng mga lalaki na nasa past ko naman na. Kung gusto ko daw may fb kailangan nya ng full list kung sino binlock ko or sino yung lalaki na related sa past ko. Nakakaloka yang partner mo, baka naman may tinatago sya sayo.
Ako mamsh di ko alam password ng social media nya. Di rin sya nag popost ng photos namin. Hinayaan ko nlang.. Ayoko sumakit ulo ko. Ilang years na kami ganito wala nman ako nakikitang kakaibang kilos nya. Tiwala nalang siguro. Never din kami nag kakalkalan ng phone. Mas alam ko pa code ng atm nya kesa code ng phone nya. š
Kasal po kami. Hmm when it comes to social media, wala kaming tinatago sa isa't-isa. Minsan pa nga nalilimutan nya passwords niya, so saken sya magtatanong kasi ako yung may better memory sa aming dalawa š Di nya inaalam passwords ko (kasi di ba nakakalimutan nya nga yung sa kanya), pero open naman ako kung hihingin nya.
Live in kami, dati alam ko password ng fb niya ngayun limot ko na. Pero ok lang wala namang password mga phone namin saka ako yung profile pic niya. Dapat d kayo naglilihiman may kakilala kasi ako ganyan babae naman ni isang pic ng asawa niya d niya magawang i post sa fb niya, yun pala may iba na siyang lalakiš¢
Live in. It's a mutual understanding na samin na hindi namin papakialaman social media accounts ng isa't isa. Sakit lang sa ulo sis hehe. Ok naman kami pareho, wala ko pake sa mga tinitignan nya basta may quality time kami. And as long as hindi suspicious actions nya pag magoopen ng social media accounts. Haha
Dapat naman talaga may privacy. Personal na kc nya un. Ako ayaw din nya ipaalam ang password nya pero nakabukas naman kc ang msgr nya anytime pinapakita naman nya kaya alam kong ang reason lang kung baket ayaw nya ibigay yng password is to respect his privacy lang not because may tinatago sya na masama
Sana nga mamsh.. Hirap sobra praning ko..
Engage palang po kami , samin po sya mismo nagsasabi ng password nya din pati po password ko alam nya , kasi kung wala nmn po dapat ikabahala hndi nmn po kasi big deal na malaman mo password nya if wala po sya tinatago , para po fair kahit po ako mag iisip bagay ganun fiance ko .share lang po
Dpa kami kasal.. Dku rin alam password nia sa fb, pero password sa fone alam ko, ska d sya ngtatakip pag ngppassword kc alm nia mgagalit ako.. Minsan hnhiram ko fone nia tpos pnpagamit nia, alm nia pnpakelaman ko fb nia.. Sya nman, alm ko pnpkelaman din nia fone ko pero d nia pnpaalam sakin..
Hindi pa kami kasal. Hindi nga kami friend sa fb eh š hindi rin kami nangengelam ng phone ng isa't isa. š Pero sobra yung tiwala ko sa kanya. š Alam ko na hindi niya talaga ako lolokohin, hindi siya magloloko. May takot siya kay Lord. Mahal na mahal niya kami ng anak niya. ā¤ļø
One time pinakelaman ko phone niya kasi may nakita akong chix na picture sa chat sa hangouts niya. Sa work kasi yun. Hindi naman totally pinakelaman. Sakto may pinapakita siya sakin at eto naman ako tinignan ko yung sa hangouts niya, so wala naman pala talaga. Kaya thankful pa din ako na hindi niya sinisira yung tiwala ko sa kanya. Thankful and Blessed. Salamat kay Lord, binigyan niya ko ng mapagmahal na partner at mabuting ama sa anak ko.
Anonymous