SPOTTING or BLEEDING?

Hi mga mamsh! FTM here, 7 weeks preggy. Ask ko lang if normal pa ba mag spotting/bleeding? Kasi minsan parang discharge lang, minsan naman spot lang, minsan parang pupuno ng pantyliner. See attached pic, yan po yung last na nadamihan tlga ako.

SPOTTING or BLEEDING?
24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

magpaER na po. nung nagkaganyan po ako ng 7 weeks din, sa ultrasound nakita na may subchorionic hemorrhage. inask ko sa OB bakit may ganun. sabi ng OB possible daw humihiwalay si baby at kung magtuloy tuloy baka malaglagan ako. kaya po mas mainam magpa ER na para maresetahan kayo ng pampakapit at total bed rest din po. by the way may history na din po ako ng miscarriage kaya nagpa ER na ako agad nung madaming dugo ang lumabas ngayong 2nd pregnancy ko. i hope by now naka pag pacheck up na kayo and okay naman kayo ni baby. ❤️

Magbasa pa

hindi po normal mommy kailangan niyo po magpacheck up baka po mahina kapit ni baby para po maresetahan po kau ng pampakapit deritso na po kau bg er yan po kasi sabi sakin ng ob ko kasi dinugo rin ako pag naulit deritso na raw sa er kaya punta na po kau agad para matingnan kau

hala ilang beses na palang nangyare na nagspot ka ng ganyan bat di kapa pumunta ng er alam mo bang super delikado niyan 7 weeks ka palang di kana dapat nagtatanong dito niyan dahil ikaw mismo alam mo na yan mommy, agapan agad hanggat maaari

Mhie kapupunta ko palang sa ob ngayon kasi may light brown discharge sakin kahapon nag start tapos ngayon parang red na siya, at neresetahan ako agad ni ob ng hemostan tapos sa Monday Vaginal sonogram ko. Pacheck kana agad mamsh.

Kahit masakit lang puson mo dikado na nga yun lalo na kung confirm mong buntis ka. first check up ko 8 weeks sakin ng puson ko nun kahit di spotting nagpa check up na ko at tvs. Kaya kapag dinudugo na mag pa OB na agad

ako nga mi unang patak palang pumunta agad ako sa Er .. kaht niresetahan nila ako Ng pampakapit .. nalaglag parin sya .. wag po kayu mag paka stress mi .. need nyo po agad pumuntang ospital Hindi po yan normal ..

Mi, pa check up kana agad. Sobra delikado ang 1st trimester. Tsaka ang daming dugo, di yan normal. Sakin sobra konte lang at di sya color red pero binigyan pa din ako pang pakapit for 1week. Ingat po mi.

Not normal po. Dinugo rin ako nung 7weeks at diretso agad hospital. Chineck lang lahat at buti safe naman si baby. Ngayon 30weeks na ako. Pacheck nyo na po agad kapag may dugo

Kung dumadami mi better magpacheck up kapara masabi ni ob if need mo magbed rest kasi baka mamaya maselan ka pala magbuntis.

hindi po sa lahat ng pagkakataon dapat ipost pa dito. lalo pag emergency cases deretso doctor po agad. 😪