Need your prayers po.

Hello mga ka-TAP! It's my birthday today but currently we're on the hospital, inadmit and under observation due to heavy bleeding. Kakapanganak ko lang last Feb 13 via NSD. Nagstart heavy bleeding ko nung Feb. 26. Unfortunately kanina sumobra ulit yung labas ng dugo sakin may kasama pang buo buo nakapa 3 palit ako ng napkin na all night long then 3 diaper L for baby dahil punong puno ng dugo. Almost every hour ako nagpapalit pero nung huli kakapalit ko lang puno na agad ng dugo, Kaya we decided na itakbo ako sa hospital dahil putla na kulay ko, di na makahinga ng maayos, hinang hina na parang lantang gulay, hindi na ako masyado makausap ng maayos, parang mahihimatay na ko at sobra na labas nung dugo sakin. Medyo umookay na po ako but still need your prayers po hopefully maging okay na ako totally at mawala na bleeding. Namimiss ko na sobra baby ko iyak ako ng iyak dahil sa pagkamiss ko sa kanya at sila ng mag ama ko agd naisip ko nung tinatakbo ako sa hospital. Thank you mga ka-TAP. Godbless. Update : Mga ka-TAP may post na ko kung bakit ako dinugo, pacheck nlang sa isang post. Thank you ulit! :)

Need your prayers po.
94 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

After ko pong manganak cs aq, dinugo din ako pero thanks God hindi umabot sa point na kagaya sayo. After 2 months of giving birth nagka regla na aq, then I tried to research bakit ang bilis i thought aabutin ng mga 6 up to 1yr. Then sabi sa google usually babalik agad ang regla kapag hindi nagbebreastfeed ang nanay which is true kc formula milk ang padede q gawa ng konti supply ng breastmilk ko at ayaw na ni baby maglatch sa akin. Ang weird kc yung first mens ko after giving birth took around 3 weeks before its gone. I almost considered going to my OB just to make sure nothing's wrong, buti nlng huminto nman xia. Then the following month, dun na ako medjo natakot kc sobrang lakas ng bleeding ko, 1 hour or less lng punong puno na yung napkin. Sa sobrang lakas nia tlaga nagpabili na ako ng diaper. I did another google search again kc worried na nga ako na baka maubusan aq ng dugo tapos lagi pa ko puyat nun kay baby. Sa google, un nga explains na connected xia sa previous pregnancy q na parang nun lng nilalabas ng katawan yung mga excess na dumi ng pagbubuntis. Pero nakalagay din sa google na need pa din magpacheck up if pakiramdam mo iba na yung bleeding. Again I considered having myself check, pag inabot kako ung bleeding ng 1 week magpadoktor na q. Buti na lng after 3 days nawala na pagdurugo, then the next month I waited kung duduguin na naman ako ng malakas pero salamat ulit sa Panginoon, nag back to normal na yung mens ko till now normal na ulit.

Magbasa pa
5y ago

Almost the same case tayo mamsh. I gave birth last Nov.30 thru C-section and 3 weeks tumagal ang mens ko. Tapos umulit ang mens ko nung Dec.30 at mas malakas at tumagal din sya ng 5days. Last Feb.1 nagka-mens na agad ako which is normal nga pag di na nagpapa-breastfeed, 4days din tumagal. And umulit sya nung Feb.8 at nag-end nung Feb.12 though normal naman ang flow... Ngayon patuloy ko pa rin inoobserbahan ang m2nstruation ko.

Hello mga ka-TAP! Nakauwi at nadischarge na ko last March 3. Normal na lahat ng lab test ko, ultrasound, BP, wala ng heavy bleeding (spotting nalang) at okay na ako (hopefully magtuloy tuloy na at wala ng heavy bleeding). Findings sakin eh late Postpartum hemorrhage at mild anemia due to blood loss. Kaya ako nagheavy bleeding dahil nagrelax daw ang matres ko bumuka yung mga ugat nya kya naglabas ng dugo tas may natirang konting lining pa ng dugo sa matres ko pero no need iraspa ulit, need ko lang daw uminom ng meds (pang contract ng uterus, vitamins for blood and antiobitic) para mawala yung lining na yun at umokay yung dugo ko. Maraming salamat sa greetings and prayers nyo, sobrang dami nyong nagdasal kaya nadinig ni Lord at pinagaling agad ako. Nakahinga na ko ng maluwag kahit nabutasan ng bulsa okay lang atleast buhay ako at kasama ko na magama ko 😍 Ingatan natin ang kalusugan natin mahal magkasakit at yung pamilya natin nagaalala din. Health is wealth. Godbless!

Magbasa pa
Post reply image

Same experience po tayo momshi. 3 weeks after I gave birth nilabasan din akong maraming dugo. May lumabas saking 3 buong dugo. Punta agad kaming hospital. Niresitahan lang ako ng pampaampat ng dugo since hindi naman continuous yung malakas na flow at humina din agad. Hindi daw common yung ganong cases sabi ng doctor. Antay ko lang ngayon yung txt sakin ng doctor kung kelan ako iuultrasound para malaman kung anong dahilan. Hanggang ngayon dinudugo pa rin ako pero parang regla nalang yung dami. Anyways, pagaling po kayo godbless

Magbasa pa
5y ago

Hello mommy! Ano na nangyari sayo? Okay na ko nakauwi na din last week and yellow na yung discharge ko

Hindi nalinis yung uterus mo momshie, gnyan nangyari sakin right after manganak. Dapat tinanggal lahat ng buo buong dugo after ng delivery. Muntik pa ako mahimatay nung nagka gnyan ako. Buti yung sakin nasa hospital pa ako nung nangyari. Iyak ako ng iyak nun kasi pinapasok ng ob yung daliri nya sa pwerta ko tapos dinidiin pa bandang may tahi. Narinig ko sabi nya, bat hndi daw nilinis nung nsa delivery room palang.

Magbasa pa

Baka po may naiwan sa loób momsh, ganyann rin po kase sa tiyahin ko kapapanganak palang niya biglanv ganyan naramdaman niya sobra siyang nahihilo at sobra na rin yung dugo na lumabas skanya as in nagkakatagos na kahit na nakadiaper na siya. Ayun pala may naiwn daw sa loob, di nalinis ng maayos. Niraspa siya kahit kapapanganak palang niya.

Magbasa pa
VIP Member

Happy Birthday sis. Kamusta po? Baka po hindi nalinis ng ayos kaya may lumalabas buong dugo ganyan din po ako sa panganay ko dati nag 50/50 kasi sobrang baba na ng bo ko 90/60 tapos nilinis ulit andami pa din nakuha dugo naiwan din non baby ko. Pray lang mommy kaya mo yan.

Thank you so much sa greetings and prayers nyo mga ka-TAP! For discharge na today, normal na ulit lahat. Will update later kung ano nangyari bakit nag heavy bleeding ako. Yeyyy Makikita ko na baby ko maraming salamat ulit sa inyo! 😊😊

Post reply image
VIP Member

Baka masyado ka napagod kaya ka dinugo. Ako din kase sinabihan ng ob ko magpahinga after cs kase baka duguin daw ako marereadmit ako. Anyway, pagaling ka and pahinga ka muna paglabas mo

VIP Member

Get well very soon mamsh and happy biryday sayo sana ok po ang result para at least ang focus mo talaga ay sa baby mo.your baby and husband miss you too for sure

Mommy kelangan icheck ni OB if may naretain na placental tissues sa uterus mo kaya ka nagbbleed. They have to address that para di ka magka anemia..

5y ago

Good to know na okay ka na mommy, palakas ka wag muna masyadong gumalaw para di ka mabigla