Speech Delay!!
HI MGA KA MOMMIES!! Share kolang po at sana may mag advice din May 3years old po akong Anak Bilang Magulang Masakit na Sa mismong Harapan ka Pinagsasalitaan ng di maganda.. Hindi pa po kasi Gaano nakakapag salita ang anak ko ultimo mo Mama at Papa bihira nya lang sabihin depende na sa mood nya Pero nauutasan kona sya, nakikinig naman sya kapag pinagsasabihan at Lalong lalo lumilingon sya kapag tinawag Name nya Pinacheck up narin namin sya para isure baka may autism sya pero wala naman talagang late speech lang sya dahil wala syang nakakalaro na bata dahil mag isa lang syang bata dito sa bahay namin Masakit sakin bilang Nanay na mismong Kamag anak ng Asawa ko na sinabihan na ABNORMAL anak ko dahil dilang makapag salita .. Kesyo sinabihan pa ako na ipacheck up ko daw baka daw totoo yung iniisip nila na abnormal anak ko Mas lalong masakit kasi Minamarites pa nila sa ibang tao😭😭😭

speech delay yan mommy. panganay ko ganyan, walang kalaro walang kausap na kaedad nya. then russian ang napapanood, so na adopt nya pati accent. akala nila nga pipe at hindi nagsasalita, kaya yung iba nagsign language sa kanya. pero, noong dumating ang 2nd child namin. ayun nakakapagsalita na sya kahit paano. maynmga words din na di mo maintindihan. mas gusto nya pa magisa sya kahit ngayon na 8 yrs old na sya, nagiisa lang sya sa higaan nya. pag nasa mood nakikipag laro naman sa mga kapatid nya. ngayon, eto nosebleed na ako kasi english ang salita. kapag english kasi mas naiintindihan nya ako kapag tagalog hindi gaano kaya minsan pag di na keri ng utak ko taglish na. hahahaha. try to expose your child with other children, para makapag adjust din sya at makapagbigkas pa sya ng maraming words. pero wag nyo po pilitin kung ayaw. pwede sa mga play school ienroll nyo po sya or saan ang hilig nya like arts ganyan para naeexpose din po sya sa ibang environment at tao. hayaan mo na ang mga marites na yan, mastress ka lang po.
Magbasa pa