Speech Delay!!

HI MGA KA MOMMIES!! Share kolang po at sana may mag advice din May 3years old po akong Anak Bilang Magulang Masakit na Sa mismong Harapan ka Pinagsasalitaan ng di maganda.. Hindi pa po kasi Gaano nakakapag salita ang anak ko ultimo mo Mama at Papa bihira nya lang sabihin depende na sa mood nya Pero nauutasan kona sya, nakikinig naman sya kapag pinagsasabihan at Lalong lalo lumilingon sya kapag tinawag Name nya Pinacheck up narin namin sya para isure baka may autism sya pero wala naman talagang late speech lang sya dahil wala syang nakakalaro na bata dahil mag isa lang syang bata dito sa bahay namin Masakit sakin bilang Nanay na mismong Kamag anak ng Asawa ko na sinabihan na ABNORMAL anak ko dahil dilang makapag salita .. Kesyo sinabihan pa ako na ipacheck up ko daw baka daw totoo yung iniisip nila na abnormal anak ko Mas lalong masakit kasi Minamarites pa nila sa ibang tao😭😭😭

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Yung anak ko sya lang din bata sa bahay. madalang lang din lumabas para makihalubilo sa ibang mga bata. nanonood din sya ng tv pag may ginagawa ako sa bahay pero ok naman Ang speech nya. mahilig magkwento, magtanong at kumanta. kinakausap namin parati at kinukwentuhan. kahit habang nanonood ng tv kinukwentuhan parin Kung ano Yung nangyayari sa pinapanood na cartoons. pero limit lang sa panonood. kausapin nyo lang po sya ng kausapin. kwentuhan nyo sya ng ginagawa nyo or kahit tungkol sa mga Puno halaman ibon butiki gagamba na makikita nya sa paligid ng bahay. wag nyong e baby talk Kasi di tlga yan makakapagsalita ng maayos. dapat may mga physical activities din sya pwede rin magbasa ng books para dumami vocabulary nya tapos less screentime po.

Magbasa pa
Related Articles