scorpio babies

mejo worried ako mga mamshie haha... yung bff q kasi mahilig sa horoscope tas sinabi nya sakin scorpio ung magging baby ko... sakit daw sa ulo at pasaway daw sa magulang... sino ba dito mga may anak na scorpio? mga pinanganak ng oct 24- nov 22... totoo ba? ??? un kacng pamangkin ko ang tigas ng ulo lalawit muna dila mo bago mapasunod... mabait naman pero npkahirap utusan like sa mga gawaing bahay... babae pa nmn at dalaga na...ginamitan na ng psychological strategy ni mama ko pero wa effect.. gagawin nya qng anu gusto nya ??‍♀️ pag ayaw nya, ayaw nya...

47 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Depende po sa pagpapalaki hahha scorpio din po ako. Aminado ako na pag ayaw ko ayaw ko. Saka tamad din ako nung bata ako kasi wala naman urgency na gumawa ng gawaing bahay. Lalo na at masipag ang ate ko. hahahaha. Pero nung nag asawa na ko. Aba kailangan na mag sipag. 😁😂 kaya ansipag ko ngayon. Señorito kasi napangasawa ko. Mag luto lang ang alam. 🤣🤣pero di ako sakit sa ulo ng nanay ko. Masipag ako mag aral. At kahit hanggang ngayon tumutulong padin ako skanila. Very caring po ang scorpio lalo na sa magulang. Kaya dont worry sis. Sweet yang anak mo hehehe.

Magbasa pa

Hindi totoo yan. Depende kasi yan sa pagpapalaki, kung nung bata palang e inispoiled na, magiging matigas talaga ang ulo ng bata. O minsan kung naadopt din ni baby yong ugali ng nasa paligid nya. Kasi ako nung bata ako di naman ako pasaway, saka yong pinsan ko na october 26 di naman din kami naging pasaway.

Magbasa pa

Scorpio ako mommy. Naging pasaway ako sa buhay nung nagkaedad na ako pero hindi dahil sa horoscope dahil yun sa desisyon ko sa buhay. Nung bata naman ako aral lang ako kaya hindi nag ka problema magulang ko sa akin. Don't worry. Wala naman napatunayang ang mga horoscope ee. Sa pag papalaki mo yan kay baby.

Magbasa pa

Not true. Panganay ko was born nov 6 pero napaka sweet. Natural na may tigas ng ulo dahil bata pa pero kapag ako sumuway sumusunod sya agad lalo na kapag palambing ung approach ko. Never ko pa sya napalo dahil sa katigasan ng ulo nya. Nasa pagpapalaki at pagdidisiplina po mismo ng magulang yan momsh.

Magbasa pa

Naku mamsh half true half fake yan haha. Scorpio ako, makulit ako nung bata ako haha. Pero ngaun hindi na. And wala sa horoscope. Nasa pagpapalaki yan. How you discipline your child. May effect din ung environment nya, kung masiyadong magulo ung envi nyo dyan baka maadopt nya.

Scorpio ako, husband ko and younger sister ko, hindi naman matitigas ulo namin or pasaway sa family, pero mga strong ang personality. Wala siguro sa zodiac sign ung pagiging makulit nasa kung paano mo pa din palalakihin ung baby mo. ✌️

Nsa pagpapalaki po yan. Qng may nagawang mali ung bata taz tatawanan pa ng magulang aun ina akala ng bata na nakakatuwa hangang sa paglaki. Cguro tingin nila cute nong maliit pa habang lumalaki di na na control kea ganun.

Asawa ko at kaibigan kong guys na ka close ko Scorpio. Matulingin sila, selfless, magagaling sa math at mga panganay silang lahat pero hindi ko sure nun mga bata sila kung gaano sila pasaway 😂😂😂

Nasa upbringing yan. Walang kahit anong horoscope o zodiac sign ang makakapagdictate ng magiging ugali ng tao. Kahit nga future natin di naman makikita sa horoscope since we make our own destiny. 😅

Haha Hindi Naman I think depende n lng sa upbringing iba IBA din kc ugali NG mga Bata bka ibang approach lng need.. my mga kilala nmn ako d nmn sakit sa ulo mabait nmn and tumutulong sa pamilya.