My Pregnancy Journey
Medyo mahaba-haba to, please bear with me i just want to share my pregnancy journey and how bless we are ni baby. Last april 2018 1st week dapat datnan ako but na delay so we decided na mag pa check agad and from there we found out that im 6 weeks pregnant, we're so happy ni hubby ofcourse we celebrate kasi nga he really wanted me to be pregnant, but suddenly after two weeks knowing that I'm pregnant may biglang lumabas sakin na medyo red spot i just ignore first kasi nga i thought its normal kasi konti lang naman but 30 mins later bigla akong nakaramdam ng hilab sa tyan ko as in napakasakit nya nag woworry na ako kasi baka mapano si baby sa loob ng tyan ko so i decided to call first my husband kasi on duty sya that time at ako lang mag isa sa bahay. After 10min. dumating na sya, sinabi ko sa kanya ang nangyari at sa di inaasahan nung nagpasama ako sa kanya mag cr kasi nga nag titrigger na yung sakit biglang bumulwak ang napakaraming dugo sa private part ko at ayun nga grabeng iyak namin dalawa kasi imbis na mag cr lang ako saglit at pupunta na kaming hospital biglang ganun ang nangyari. After that nawalan na ako ng malay at nagising nalang sa hospital, pag ka gising ko una kong tinanong kung okay pa ba si baby kaso di tlaga sya para samin at kinuha na sya ni Lord. Sabi ni Ob mababa daw matres ko kaya yun nangyari kaya di ko mapigilang sisihin ang sarili ko, we are so broken that time, but time heals us. Months passed and everything is normal but not until August 2019 came, again delayed na naman ako so nag pt lang ako and the result is positive, I surprised him I said another blessing is coming soon then I grab the 5 positive pregnancy test and gave it to him, sobrang saya na naman namin kasi may nawala man atleast may binigay din naman na another blessing, the nxt 2 weeks is on duty sya kaya inantay pa namin day off nya para masamahan nya ako mag pa check at sabay naming makita si baby, at dahil nga sa trauma ko in my first pregnancy todo ingat n kami bed rest lang tlaga ako at wla akng ibang ginawa kundi mag pahina one week before day off nya na we're both excited kasi one week nlang makikita na namin si baby, but then another traggic happen, palaging sumasakit yung tyan ko kahit napakalapit ng nilalakad ko as in from my room to the cr ganyan lang kalapit pero masakit na kaya nag lagay nalang ako ng arenola sa tabi ng kama namin para di na ako mag punta cr, at dinadalhan lang ako ng pag kain ng pinsan ko that time kasi kinuha namin sya para may makasama ako, pag maligo naman sabay kami ni hubby para alalayan ako, may mga spot na naman ako nag aalala n nman ako kaya pinilit nyang mag day off na para masamahan na ako sa hospital, nakipagpalitan lang sya sa kasama nya kasi nga emergency. Pag dating nya ng bahay agad umalis na kmi papuntang hospital pagdating namin emergency room agad ako, nag antay lang kami sglit ng OB para malaman ang condition ko at ng baby namin, and from there we found out I am having an Ectopic Pregnancy (pagbubuntis ng labas sa matres) inexplain ni doc. ang mga consequences pag patuloy na nandun si baby kaya kahit ayaw namin mawala sya eh wla kming magagawa kasi nga napaka delikado napilitan kaming mag desisyon na tanggalin si baby, napkasakit kasi may mga babaeng binibiyayaan ng anghel pero nagagawa nilang itapon o ipalaglag o ipamigay ang mga baby nila samantalang kami na gustong gusto namin magka baby di kami binibigyan na capable naman sana kami mag alaga ng bata, lets go back to the topic, ayun binigyan kami ng dalawang option ni doc. una papainomin nya ako ng gamot para mag labas si baby at kung di lumabas eh ooperahan nila ako. And thanks God di nya ako pinabayaan at si baby ko ramdam kong ayaw nya ako pahirapan 12 weeks lang ang baby namin that time nung pinainom na ako ng gamot para lumabas na sya sakin, as in fetus pa sya pero nilibing namin sya ng maayos para narin sa ikakatahimik nya. Pagkatpos ng mga nangyari lage ko silang napapanaginipan ng 1st baby ko na masaya na sila kaya pinilit kong maging okay na rin, nag simba kami pareho ni hubby at taimtim na nanalangin every sunday yun ang routine namin mag simba then after mag date para kahit papaano eh maibsan yung lungkot. Until one sunday habang nasisimba kami paglabas namin ng simbahan may matandang namamalimos di namin mapigilan ni hubby na lapitan si lola, binigyan namin sya ng pera at binili ng pagkain narin, nang paalis na sana kami bigla nyang sinabi na ipagdadasalnya kami na mag baby na at ayun nga sobrang nanindig mga balahibo ko, sabay sabi namin ni hubby na sana nga lola bibigyan nya kami ng healthy baby, at nagpasalamat kmi pareho at umalis na, same routine parin kami every sunday kami nag sisimba at di na namin ulit nakita si lola, one time napansin ko nahihilo ako at nasusuka, tas biglang nag sink in sa utak ko ang sinabi ng matanda. Tumingin ako sa calendar at boom 2 weeks delayed ako di ko man lang napansin yun. nagpa check agad kami ni hubby and this time is really a big blessing di kami makapaniwalang napaka healthy nga ni baby sa loob, 8 weeks na pala sya at napaka lusog nya. Sobrang alaga ako ni hubby, pinilit nyang sya lahat gumawa sa lahat ng bagay kasi ayaw nyang mapagod ako, lage nya akong dinadalhan ng prutas at lahat ng pagkaing gusto ko eh binibigay nya kahit on duty pa sya, still na sisimba kmi every week para magpasalamat na sa isang napaka healthy na baby. After 4 months nakita na namin gender ni baby(it's a baby boy)napakasaya namin at excited ng mamili ng gamit. At exactly 8 months kompleto na gamit ni baby at si baby nalang inaantay namin. I'm on my 38 weeks and 2 days now still wla pa rin akong nararamdamang sakit2 at feel ko naman na active si baby sa tummy ko kaya di ako nag woworry. Salamat sa pagbabasa, at maraming salamat narin sa app na to dahil dami kong natutunan. Till my next journey na naman mga kaTAP. And hello to team may/june here kunting kembot nalang at makikita na natin ang ating mga little one..