HELP MGA MISIS😕

matagal na po kming nagsasama ng asawa ko 12 years, may 2 po kming anak at kasal kami..minsan na po akong nagkasala sknya at hnd na naulit. Ngaun cya naman ang may nagawa sakin na kasama pa niya sa trabaho which is hnd pwdeng magresign cya or ung babae..sinabi nya po sakin na hnd na nya ako mahal at hnd na cya masaya skin masaya na daw cya sa ibang babae which is less than a year palang nya nakilala..nahuli ko ang asawa ko na karelasyon nya ung babae nabasa ko lahat..matagal na akong mag hinala dun pero lagi akong sinsabihan na paranoid lang…sabi ng asawa ko skin d na nya ako mahal ..oo pinili nya kming pamilya nya sa ngaun nangako cya na pipilitin naming ayusin.pero hnd yun ang gngawa nya, lagi nyang pinaparamdam na ayaw na nya sakin at hiniling pa nya na pakawalan ko na cya..ung babae is 13years younger sknya ..help mga mamsh anong gagawin ko papakawalan ko naba ? at hayaan silang magsama ng kabit nya?

19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mi, for me it's time to let go na. Mahirap ng ipilit mag work ang loveless marriage. Pero I highly sa suggest na kasuhan mo sila. Ipatanggal mo sila sa work. Gusto ng asawa mo kumawala? Edi harapin din niya ang mga consequences ng actions nila. Hindi naman pwedeng ikaw at mga anak mo lang ang mag suffer tapos sila ng kabit niya ang liligaya. Turuan mo sila ng leksyon para na din makamit niyo ng mga anak mo ang hustisya. Kapag nakasuhan na yan, natanggal sa work at makukulong na tingnan mo lang kung hindi yan magmamakaawa bumalik sayo. Patunayan mo sa kanya na hanggang libog lang ang meron siya para sa kabit niya. Mababahag na buntot niyan kapag nagkasuhan na. Make sure lang mi na isecure mo lahat ng evidence mo. Better to consult a lawyer na para matulungan ka mag strategies. Kalma lang and show them na ikaw ang legal wife. Wag ka po papauto sa mister mo, maging wais na mi. Nagkamali ka man noon sa kanya, naayos na yun at nagkapatawaran na. Now, turuan mo siya ng leksyon para madala siya. Kung babalik siya sayo at willing ka pang tanggapin nasa sayo na yan pero make sure na may proper agreement kayo legally na kapag umulit pa siya eh bubuhayin mo ang kaso. Wag mo ibaby ang asawa mo. Sa ganyang sitwasyon need mo po lumaban at maglitaw ng pangil kundi lalo ka pong aapihin. Wag mo po ibaby ang asawa mo. Kung ayaw niya na edi wag basta harapin niya ang consequences. Laban mi.

Magbasa pa