MAY BABAE ASAWA KO

2weeks ago. Nahuli kong asawa ko may kachat... *Wala akong nakitang conversation pero umamin syang nakaka usap nya ung babae. PERO USAP LANG AT LIBANGAN LANG DAW.... Nag promise dn syang hnd na nya uulitin. Kaya hinayaan ko + BUSY AT PAGOD DN AKO SA PAG ALAGA NOON SA 1WEEK OLD NAMING ANAK AT 4YRS. OLD. Ilang araw maka lipas... umuwi asawa ko ng lasing. Nakapansin ako ng kakaiba. Iniwan nya ung Cellphone nya sa Shoe Rack namin. *Which is sobrang kakaiba dhil palage nasa unan nya ang cp nya. Swerteng nakita ko dn ung cellphone ng gabi na un at knuha ko. Bumulagta sakin ung message nila ng babae niya. Gulat na gulat ako. Dahil yung babae na yon ay un din ung una kong nahuli sknya na pinag promise nya skin na hnd nya na kakausapin. Sobrang sakit lang. Oct. 7, 2019 ako nanganak sa baby namin. Sept 20, 2019 kami kinasal. Maraming beses nya kong niloko nuon. Pero di naman ako perpekto nagawa ko dn sya lokohin dati pero un lang un. NOON KAYA KO SYA LOKOHIN PERO NGAYON NA KASAL KAMI TAKOT AKO SA DYOS. PLS, ADVICE ANO BA DAPAT KO GAWIN. NALAMAN LAMAN KO PA NA HALOS ARAW ARAW SIYA NAG PPNTA SA BAHAY NUNG BABAE. *Mag isa lang sa bahay ung babae. Pinakilala dn ng asawa ko sa mga kaibigan nya. *Pero bilang ka trabaho PS. NALAMAN KO DN SA BABAE NA NUNG ARAW NA PAG LABAS NG ANAK NAMIN HABANG GROGGY PAKO SA ANESTHESIA SA OSPITAL INIWAN NYA KAMI PARA PUNTAHAN YUNG BABAE

68 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

This is very very wrong and disrespectful. Mommy sa shinare mo po parang nafallout na po yang hubby mo. Ibang usapan na po kasi yung iiwan kayo mag-ina sa hospital para puntahan yung babae niya. Kung ako po sa'yo umalis na po kayo sa bahay yung tipong wala siyang idea na maglalayas na kayo para paguwi niya wala na siyang aabutang pamilya. Magiwan ka ng dinner niya and letter na alam mo na ang lahat tungkol sa kanila ng kabit niya at wag na siya magpapakita sainyo magiina. Tignan lang naten kung sino ang pipiliin niya. In that way mafefeel niya na hindi nila kayo pwedeng loko lokohin and bilugin ng kabit niya. And mafefeel niya kung ano yung nawala sakanya. I don't know if this strategy will work kasi ultimatum na din kasi to mommy, and dito mo na din macocofirm if mahal ka pa talaga ng asawa mo. If after two-four weeks wala pa din, kasuhan mo na silang pareho ng concubinage and adultery. Nakakagigil silang dalawa mommy. Anyway, balitaan mo kami mommy. Good luck and pray po. Be strong. Wag ka papaapi.

Magbasa pa
5y ago

agree , kya mo yan momsh be strong para sa mga babies mo

you know whats wrong nag pakasal ka at nag pa buntis sa lalaking alam mo na sa una manloloko . thats the fact! your biggest mistake and know sino ang mag susuffer ikaw at ang mga anak mo now if nag isip ka nag para sa future mo hindi ka makakaranas ng ganito im sorry for being harsh pero Yan na ang consequence sa decisions mo . kung una palang iniwan mo na sya dahil niloko its not about kasi mahal ko sya ganito girl love yourself if Sa una palang niloko kana dapat naging strong ka na iwan sya . So now niloko ka ulit ang dapat mong gawin get yourself bakit ka mag titiis ? para anu sa anak niyo to be honest kapag hindi buo ang pag mamahala ng mag asawa mas mag susuffer ang anak while nag sasama kayo sa isang bahay na hindi goodterms kesa sq hihiwalan mo sya ng maayos at talk how to raise your children through Co parenting . there is a point na you have to let go specially if your partner doesnt respect you in all aspects.

Magbasa pa
VIP Member

Ipunin mo ang mga ebidensya mo sa asawa mo na nambababae sya sis at komprontahin mo ang asawa mo na alam mo ang ginagawa nyang kalokohan at sabihin mo sa kanya na idaan nyo sa legal na paraan yung ginawa nya na kalokohan para matuto yung asawa mo. Napakasakit sa part mo na kapapanganak mo palang tapos malalaman mong gumagawa ng kalokohan ang asawa mo habang ikaw nagpapakahirap at nagsasakripisyo sa pag aalaga sa mga anak nyo. Maging matatag ka mommy para sa mga anak mo. Wag mo basta patawarin ang asawa mo, hanggat maaari idemanda mo para madala kasi mauulit lang yan pag hindi mo tinakot ang asawa mo.

Magbasa pa

Confront mo yung babae at yung asawa mo. Dapat nagkeep ka ng evidences para maipakita mo sa kanila mismo na huling huli sila sa ginagawa nila. Mahirap awatin yung ganyan kahit mangako pa na mgbabago yan sabi nga nila kung gusto may paraan. Know your rights, may magna carta for women nakasaad jan ung fundamental guarantee right and priveleges nating mga babae. Sa case mo, psychological violence yan under VAWC. Pwede mo kasuhan mister mo lalo kung may matibay kang ebidensya. Marital infidelity yan.

Magbasa pa

Honestly sis, hindi na magbabago yan. Serial cheater ang ganyan. Lalo na binabalik balikan nya iisang babae lang so matindi na bond nila. Nakaka lungkot pero kahit confront mo si ate at magkaayos kayo ni hubby, malaki possibility na babalik din sya sa ganyan ways kahit sa ibang girls pa :( tapos kahit awayin mo ang girl, in the end nasa asawa mo pa rin kung gusto nya ba magtino or not. Ang hirap noh. Pray for guidance sis ❤

Magbasa pa

Kapag lalaki po kasi momshie hindi basta basta makakasuhan., unless po kinakasama na niya ung babae at may proof ka na ganun. And siguro naman po ayaw niyo din humantong sa ganung stage. Member po kami ni hubby ko ng Couples for Christ (CFC). Baka po may chance pang magbago si hubby niyo once naging active kayo sa mga religious activities. Try niyo po magtanong sa nearest na simbahan sa inyo kung may CFC po sa kanila. 😉🙏

Magbasa pa
VIP Member

Be strong sis, yun lng mapapayo ko sa ngyon. Kakapanganak mo palang bawal ang mastress kawawa si baby mo. Hayaan mo muna asawa mo. Magpahinga ka muna. Kapag malakas kana at okay kana tska ka gumawa ng aksyon ngyon. Kung anuman makalap mong ebidensya ipunin mo lng ng ipunin. Pwede mo sya kasuhan dahil kasal na kayo. Basta sis sa ngyon pray at pahinga ka muna. Andyan si God hnd tyo iiwan at pababayaan nyan.

Magbasa pa

Hiwalayan mo na momsh " once a cheater is always a cheater " kung kaya nga gawin yan isang beses kaya nya rin gawin yan ng paulit ulit, masasaktan ka lang din paulit ulit at ma- stress at baka mapabayaan mo na sarili mo nyan at mga baby mo po, ngayon may proof ka ng pambabae nya kasuhan mo adultery, para matauhan sya, yung mga lalaki ganyan tinuturuan leskyon, para sa mga kids mo po be strong po.

Magbasa pa

kaya Ako mga Momshie paniniwala ko na sa buhay ng tao.. mag tanim lang tayo ng magtanim ng kabutihan habang nabubuhay.. hindi ito para sa ibang tao. kundi para sa mismong sarili natin. dahil kahit gaano kadami o kaonti o katagal na may ginawa tayong masama sa kapwa.. hinding hindi natin maiiwasan ang balik ng karma. etheir good karma or bad karma yan din ang aanihin natin.

Magbasa pa

Confront him in a nice way ipaliwanag mo pagkakamali niya but before that pray ka muna that God will save your husband sa maling landas , communication is key. Pero mamsh if ever na nagsex sila thats already adultery so seek help na po , kung di mo man maibalik yung pagsasama niyo at least ipaglaban mo nalang rights ng mga anak mo and please please be strong.

Magbasa pa