Away Parati
Mas masakit pala maliitin ka ng partner mo dahil wala kang maambag sa mga bayarin kesa sa magcheat sya. Naloko na nya ko pero napatawad ko sya, pero ung sigaw sigawan at mura murahin ako, at itapon ung isasaing ko dahil lang sa wala na syang pera eh sobra sobra na.. Di na talaga ako umimik sa sobrang punong puno puno na ko. Nung natapon ung mga bigas, winalis ko padin. Pero tahimik lang ako. Habang sya nakatitig sakin, "Tangina ko daw, ano daw ba pinagmamalaki ko" . Nagimpake na ko at nilayasan ko na sya. Wala ng salita salita nung umalis ako. Sya sigaw at puro mura. Di ko na sya pinansin. Sobrang nakakapangliit mga sis. Enough is enough. Ngayon text sya ng text, puro sorry. At bumalik na daw ako. Sunduin nya daw ako, asan daw ako. Pero di ko na sya nirereplyan. Nawalan na ko ng gana. Napagod nadin siguro ako.
Kakaiyak nmn, si LIP ko mainitn ang ulo dati nakakapagsalita sya ng masasakit skin , pero tahimik lng din ako at bgla bgla nlng umaalis ayaw ko kasi ng kung ano anong masasakit at pangmamaliit na cnasabi sakin kaya iiwanan at iiwanan ko talaga sya, lagi kong cnasabi hindi ko sya kaylangan sa buhay ko d ko need ng ganun klase ng lalaki at ayaw ko na nauulit ulit yung ganun ok pa sakin mag isa kesa ganun ang kasama, mabuti nmn malaki pinagbago ngayon, takot ng maiwan.d na sya gaya dati,minsan d maiwasan nainit ulo pero iniintndi ko din bka pagod stress o may nararamdaman, sana maging ok kayo ulit ni partner mo at mapagkasunduan nyo ano yung dapat at di dapat gawin ng bawat isa..
Magbasa paiwas ka sa stress mommy buti nanlang at umalis ka na. I feel youu hehe hindi pa ko buntis nun ayoko na sa ugali naman ng kapatid ng bf ko kaya siguro nabuntis na din ako kasi umalis na sya nawala na stress ko hehe ang hirap nya pakisamahan pinagsalitaan ako ng kung anu-ano like wag na daw ako pupunta sa kanila di daw ako karespe-respeto bla bla bla ngayon at lumipat na sya ng bahay stress free na ako hehe ikaw masaya ako para sa'yo at umalis ka na sa puder nya di tama na mura-murahin ka lang nya. May family ka na tatanggap at tatanggap sa'yo. Huwag ka na babalik sa kanya makakaya mo yan kasi single parent ka . 🙏❤️
Magbasa paIt takes courage at kung masakit man sayo mawawala din yan. SKL, Nung isang gabi sinaktan ng bayaw ko yung asawa nya. Buti na lang pinuntahan agad ni hubby ung kuya nya kasi sinasakal na si ate. Mas malaki din si hubby sa kuya nya kaya walang magawa yung bayaw ko. Galit na galit si hubby kaya ipapapulus nya sana yung kuya nya buti na lang nagsory. Pero yun nga maraming lalaki na hindi nananakit at hindi papayag na may babaeng sinasaktan. Kaya happy ako na pinalaya mo ang sarili mo. All the best for you! Virtual hug 🤗
Magbasa paThank you po sa mga advice nyo mga mommies. Sa mga nakakaranas po ng emotional, verbal and physical abuse magpray kayo na bigyan kayo ng lakas ng loob ni Lord na iwanan yang mga mapanakit na lalaki na yan. Dasal lang din po ako ng dasal na bigyan ako ni Lord ng sign na dapat ko na talaga syang iwan dahil pagod na po ako, at eto na nga un. Text padin sya ng text simula nung umalis ako. Nireplyan ko sya pero sabi ko ayoko na talaga. Mahal ko sya pero may limitations din ako.. Godbless po sainyo mga mommies.
Magbasa paAnyways, dapat maintindihan ka ni Mr. Kasi mas double yung sacrifice na binibigay mo sa pamilya mo sis.. mas mahirap yung nasa bahay lng kesa sa nag tatrabaho. Kasi sila may income, yung house wife wala. Gigising pa ng maaga, mag sasaing pa, maghuhugas pa ng pinggan alagaan pa c baby pati yung hubby na walang sweldo and lifetime yun! WAG MO NAYAN BALIKAN SIS. Focus ka nlng sa children ninyo. And prove to him na kaya mong wala sya.
Magbasa pasame tau. verbal abuse naranasan q din sa asawa q.. parati niya pinamukha skin na ala daw aq silbi ksi housewife lng aq.. ala. namn daw aq ginagawa sa bahay.. d niya naisip mas madali magwork kesa sa bahay ka lang..lage niya q minumura khit sa harap ng 9 months old baby nmin.. gustong gusto q na din siya iwanan kaso iniisip q un anak namin.😢dq alam hangang kelan q kayang tiisin lhat ng masasakit na salita niya skin...
Magbasa pahindi po nakakamatay ang walang husband o tatay. mas nakakamatay at nakakadamage ang pakisamahan ang ganyang tao.
Good job sis. Tama yan kalmado ka lang at nilayasan mo sya. Kase pag pinatulan mo pa Yan at naging emotional ka hindi ka makakapagdecide rationally. Wag mo hayaan sarili mo matali sa isang toxic relationship at sa partner na emotionally unstable. Yung mga pagmumura nya is a form of abuse wag na wag mo itolerate. Wag mo na balikan yan. Know your worth sis 😄hindi ka deserve ng mga ganyang ka toxic na tao.
Magbasa paIbig sabihin, sobrang sakit na talaga ng naparamdam niya sayo. Wala na ang respeto. Hanggang pagkatao. Kaya hindi siya mapakali ngayon. Dahil wala kang sinabi. Wala siyang narinig na kahit ano sayo. Tama lang ang ginawa mo. Hayaan mo muna siya para magtanda. Sobra na ang nagawa niya. Kung bibigay ka, paulit ulit lang na gagawin yan sayo.
Magbasa paSorry to hear that sis. I think tama yung ginawa mo. And prove him na kaya mo kahit wala siya. Tho I understand din na minsan nakaka stress talaga pag walang wala na pero hindi tama na isusumbat niya sayo at magagalit sayo dahil siya ang nagtatrabaho. Sobrang mali. Sana kinausap ka nalang niya ng maayos. Hugs*
Magbasa paFor me tama lang yung ginawa mo. Isipin mo na lang kung ano ba mas matimbang sa relasyon nyo kung away ba or pagmamahal. Ako hindi nagsising iniwan hung bf ko non dahil ganyan din siya sakin pero wala kaming anak. Ngayon, I am happily married. Tsaka hndi naman natin need nang lalaki. Yung baby is enough na.
Magbasa pa
Mom of Nathan and baby no. 2