Away Parati

Mas masakit pala maliitin ka ng partner mo dahil wala kang maambag sa mga bayarin kesa sa magcheat sya. Naloko na nya ko pero napatawad ko sya, pero ung sigaw sigawan at mura murahin ako, at itapon ung isasaing ko dahil lang sa wala na syang pera eh sobra sobra na.. Di na talaga ako umimik sa sobrang punong puno puno na ko. Nung natapon ung mga bigas, winalis ko padin. Pero tahimik lang ako. Habang sya nakatitig sakin, "Tangina ko daw, ano daw ba pinagmamalaki ko" . Nagimpake na ko at nilayasan ko na sya. Wala ng salita salita nung umalis ako. Sya sigaw at puro mura. Di ko na sya pinansin. Sobrang nakakapangliit mga sis. Enough is enough. Ngayon text sya ng text, puro sorry. At bumalik na daw ako. Sunduin nya daw ako, asan daw ako. Pero di ko na sya nirereplyan. Nawalan na ko ng gana. Napagod nadin siguro ako.

102 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

It takes courage at kung masakit man sayo mawawala din yan. SKL, Nung isang gabi sinaktan ng bayaw ko yung asawa nya. Buti na lang pinuntahan agad ni hubby ung kuya nya kasi sinasakal na si ate. Mas malaki din si hubby sa kuya nya kaya walang magawa yung bayaw ko. Galit na galit si hubby kaya ipapapulus nya sana yung kuya nya buti na lang nagsory. Pero yun nga maraming lalaki na hindi nananakit at hindi papayag na may babaeng sinasaktan. Kaya happy ako na pinalaya mo ang sarili mo. All the best for you! Virtual hug 🤗

Magbasa pa