Away Parati

Mas masakit pala maliitin ka ng partner mo dahil wala kang maambag sa mga bayarin kesa sa magcheat sya. Naloko na nya ko pero napatawad ko sya, pero ung sigaw sigawan at mura murahin ako, at itapon ung isasaing ko dahil lang sa wala na syang pera eh sobra sobra na.. Di na talaga ako umimik sa sobrang punong puno puno na ko. Nung natapon ung mga bigas, winalis ko padin. Pero tahimik lang ako. Habang sya nakatitig sakin, "Tangina ko daw, ano daw ba pinagmamalaki ko" . Nagimpake na ko at nilayasan ko na sya. Wala ng salita salita nung umalis ako. Sya sigaw at puro mura. Di ko na sya pinansin. Sobrang nakakapangliit mga sis. Enough is enough. Ngayon text sya ng text, puro sorry. At bumalik na daw ako. Sunduin nya daw ako, asan daw ako. Pero di ko na sya nirereplyan. Nawalan na ko ng gana. Napagod nadin siguro ako.

102 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Anyways, dapat maintindihan ka ni Mr. Kasi mas double yung sacrifice na binibigay mo sa pamilya mo sis.. mas mahirap yung nasa bahay lng kesa sa nag tatrabaho. Kasi sila may income, yung house wife wala. Gigising pa ng maaga, mag sasaing pa, maghuhugas pa ng pinggan alagaan pa c baby pati yung hubby na walang sweldo and lifetime yun! WAG MO NAYAN BALIKAN SIS. Focus ka nlng sa children ninyo. And prove to him na kaya mong wala sya.

Magbasa pa